XXXIV - Another Visions

527 46 0
                                    

"B-baket?!" Kunot-noong tanong ni Violy.

Nahinto ang pagsubong gagawin sana nya dahil sa biglaang pagsigaw na iyon ni Esmeralda.

Kinabahan pati sya sa paraan ng pagkakasabi nito---

Parang may mali sa desisyon nilang mag-asawa...

Parang merong mangyayaring hindi maganda kapag itinuloy nila iyon...

Knowing Esme...

For her, this girl knows everything, even the future.

Si Fredo naman ay hindi agad nakapiyok. May laman kasi ang bibig nya non.

Pero agad naman nya iyong nilunok at pagkatapos---

"Bakit 'nak? M-may problema ba?! May--- May nase-sense ka ba?!" Nag-aalala ring tanong nya.

"O-opo." Ang tanging sagot naman ni Esmeralda.

Pagkatapos non ay pumikit ulit sya at nag-concentrate.

Na-gets naman agad iyon ng mag-asawa kaya hinayaan sya ng mga itong manahimik muna.

At sa pagpikit nyang iyon ay muling nadugtungan ang mga pangitain nya kanina.

At ayun, sa dami ng pumasok sa isip nya ay dun sya na-focus sa huling eksena---

Ang eksena kung saan kitang-kita nya ang babae't lalaking nahulog mula sa barko. At dahil iyon sa sobrang panic ng mga tao...

Nung matapos kasing sumabog ang isang parte ng barko ay nagkaroon na doon ng stampede...

Nagkatulakan ang halos lahat ng mga pasaherong nakasakay doon...

At kabilang nga sa mga nalaglag mula sa mataas na barko ang babae't lalaking nasa kanyang balintataw ngayon...

Pagbagsak sa ibaba ay nagkahiwalay ang dalawa...

Nagpalutang-lutang ang mga ito sa tubig kasama ang iba pang mga pasahero...

At dahil nasa gitna ng karagatan, medyo nahuli ang pagdating ng saklolo...

Kasama sa mga nasagip yung isa. Pero naging kritikal ang kundisyon nito nung maitakbo sa ospital...

Ang isa ay nabuhay pa rin naman. Ngunit napalayo naman ito napadpad sa kabilang pampang...

Pinilit ni Esmeralda na mag-concentrate pa ng husto upang matukoy nya at masino ang dalawang taong iyon.

Malakas kasi ang kutob nya na ang mga iyon ay ang mag-asawang Fredo at Violy.

Subalit kahit anong pikit naman ang gawin nya ay malabo pa rin talaga ang mga imahe na kanyang nakikita...

Kumbaga sa isang recorded video, putol-putol ang mga kuha niyon.

Hindi rin iyon ganun kalinaw.

Magulo talaga ang camera na animo lumilindol nung mga oras na iyon ay inirerekord.

Na parang patago din ang pagkuha ng nasabing video sapagkat hindi nga buo ang mga eksena.

At ayun, sumige pa rin sya sa pagkokonsentra kahit pa wala na syang makita.

Gusto nya kasing masiguro kung sila Fredo at Violy nga ba iyon o baka naman ibang tao.

Pero wala talaga. Ayaw ng gumana ng mga mata nya.

At nung wala na syang makita pa, nagdesisyon na syang magmulat.

Ayun, umaahon ang dibdib nya ngayon sa sobrang kaba.

Dahil don ay napainom sya ng tubig, upang maibsan kahit konte ang paninikip ng kanyang dibdib.

"Wag na po muna kayong umalis tito, tita. Hindi po kasi maganda ang vision ko eh." Ang tanging sinabi nya sa dalawa.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now