OMG #35: Forgotten

32 5 0
                                    

OMG #35: Forgotten.

[ Jannah Asteraceae's P.O.V ]

" Thank you for being here with me, Axe. " sabi ko at niyakap siya. Wait-- Did I just hug him? Nang marealize ko yung ginawa ko ay bigla akong humiwalay sa pagkakayakap sakanya at tumayo. Umiwas ako ng tingin. Huhu nakakahiya yung ginawa ko eh. Atsaka naramdaman kong nag- iinit yung pisngi ko.

" Ah eh... I need to go hehe. Bye! " sabi ko at dali dali ng umalis. Nakakahiya talaga >//< Napasandal ako sa wall ng isang room. Napangiti ako nang maalala kung paano niya ako niyakap at i-comfort. Waahhhhh!!!!! Nakakahiya nakita niya na naman akong umiyak. Pero-- ano namang masama. We're 'friends' after all. Hays ayoko talagang sakin pa manggaling yun kasi nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na friends nga kami.

I'm thankful kasi kahit papaano ay gumaan yung pakiramdam ko. Masarap pala sa feeling kapag may naiiyakan ka, at kapag may nakakaintindi sayo. Lalo na kapag mayroong handang icomfort ka on their own way. I was touched of what he did and yung mga sinabi niya sa akin kaya ko siya biglang nayakap. I'm so thankful that I have him  by my side. Nabawasan yung lungkot ko kahit papaano.

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita na 10mins na lang before magstart yung first subject namin. Kaya ayun, naglakad na ako papunta sa room namin. Pagpasok ko ay nakita ko na roon si Aileen, Aliyah at Axel. Mukhang di pa nga nila ako napansin eh dahil busy sa chikahan yung dalawa. Si Axel naman, ayun nakatungo sa desk niya. Himala wala si Stella? Well, ayoko muna siyang isipin, baka masira pa ang araw ko. Napangiti ako. Namiss ko sila ng sobra, but I feel really bad. I know how much they want to see the dancing fountain a month ago, pero di nila nasaksihan yun ng dahil sa akin.

Nagtama ang mga mata namin ni Aileen, nanlaki ang mata niya nang makita ako. Si Aliyah naman, ay nakatalikod kaya siguro hindi pa ako nakikita.

" Oy! okay ka lang ba babae? Para kang nakakita ng multo ah? " rinig ko pang sabi ni Aliyah. Natawa ako ng mahina. 

" A-Ate Jannah!!!!!!! " sigaw niya at tumakbo papalapit sa akin. Bigla niya akong niyakap nung makalapit siya sa akin, muntikan pa nga kaming ma- out of balance eh. Napalingon naman sa gawi namin si Aliyah, at katulad ni Aileen ay gulat din ang makikita mo sa itsura niya.

 Napalingon naman sa gawi namin si Aliyah, at katulad ni Aileen ay gulat din ang makikita mo sa itsura niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Wahhhh!!! Jannah!!! " sabi niya, nginitian ko siya. Tumakbo na rin siya papalapit sa akin at niyakap niya ako. Niyakap ko rin silang dalawa.


" Di niyo naman ako ganun namiss ano? " pabiro kong sabi sakanilang dalawa. Humiwalay naman na sila sa pagkakayakap sa akin.

" Namiss ka namin, ate. " nakangiting sabi ni Aileen.

" Okay ka na ba? " tanong naman sa akin ni Aliyah.

" Namiss ko rin kayo, and yeah. Okay na ako, sorry kung pinag- alala ko kayo. And sorry kung dahil sa akin ay di niyo napanood yung dancing fountain nun. " malungkot kong sabi.

Oh My Ghost! | VReneWhere stories live. Discover now