OMG #19: Her brother is home

79 23 0
                                    

OMG #19: Her brother is home.

[Jannah Asteraceae's P.O.V]

Pagkarating ko sa 7/Eleven na malapit lang sa village namin, ( Ito rin yung 7/Eleven na pinuntahan namin before kung saan niya ako dinala ) agad ko siyang natanaw na kumakain. Kita siya dahil nga clear glass yun. Well ganun naman lahat ng sa convenience store kaya di ko dapat ipaliwanag pa.

Inis akong pumasok sa loob.  Lumapit ako agad sakanya pero mukhang di niya ako napansin. Nakita ko naman yung bag ko sa may tabi niya. Napatingin siya sa akin at agad ngumiti na ikinakunot ng noo ko.

" Bakit nasa iyo bag ko? " tanong ko. Humigop muna siya sa sabaw ng kinakain niyang cup noodles bago siya magsalita.

" Umalis na that time sila Aileen, paalis na sana ako ng makita ko yang bag mo. Ang sama ko naman kung iiwan ko diba? " sabi niya pa.

" Tsk! Uuwi na ko! "

" Wala manlang bang thank you? "

" Why would I? Bakit, sinabi ko bang kunin mo bag ko? It's your own will na kunin yung bag ko, so bakit ako mag-te-thank you sayo? "

" Bakit ang sungit mo ngayon? "

" Psh! Ewan ko sayo. You're just wasting my time. Uuwi na talaga ak-- "

" Please stay. I won't talk to you so just stay. " sabi niya. Natigilan naman ako dahil naalala ko yung unang beses niya akong hinila at dalhin sa canteen. Ganito rin yung sinabi niya, pero dahil naman yun sa pagkain.

' I just want to eat. So stay. '

' I won't talk to you, just eat that. '

Ayan yung sinabi niya before. Di niya talaga ako kinausap nun at kumain lang.  Nagtaka pa nga ako nun because he know my favorite foods. 

I took a deep sigh.

" Okay. I'll stay... " sabi ko. Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya. " But in one condition... You need to answer me. " pagpapatuloy ko.

" Sige. Basta ba masasagot ko. Di ako masyadong nakapagreview nga--- aww! " sabi niya. Pinitik ko siya sa tenga.

" Puro kalokohan psh! " sabi ko at naupo na tabi niya.

" Alam ba ni Stella na nandito ka? Baka magwala yun ah. " natatawa kong sabi.

" Hindi niya alam. And wala akong balak na ipaalam sakanya. For sure, gugulo na naman. " 

" Ang OA naman kasi niyang fiance mo psh! Teka, fiance mo nga ba talaga yun? " tanong ko.

" Nagsisimula na ba tayo ?"natatawa niyang sabi.

" Psh! All you have to do is to answer me  *=_=. " inis kong sabi.

" Okay hahaha masyado ka namang seryoso. "

" Masyado ka namang playful. Asan na yung Axel na una kong nakikilala? Yung tahimik lang. Medyo masungit angkaso playboy nga lang hays. " sabi ko.

" I have my reasons. "

" I know. Every person has their own reasons. Kaya nga di kita agad jinudge. I just see you as someone who keeps approaching me and asking if he I know him psh." sabi ko nang maalala kung paano niya ako iapproach nung una.

" Because you really know... I don't know why you can't remember me, but I'm pretty sure that you know me. " nakangiti niyang sabi.

" Yeah yeah, kilala na kung kilala. So, ano nga? Fiance mo ba talaga si  Stella? "

Oh My Ghost! | VReneWhere stories live. Discover now