OMG #30: The bitch is back! (Part II)

71 23 0
                                    

OMG #30: The bitch is back! Part II.

[ Jannah Asteraceae's P.O.V ]

" Yes. The one and only. " sabi niya at nakita ko ang galit na galit niyang itsura. 

Tumabi siya sa gilid ko, habang nasa kanan ko naman sila Aileen. Kinuha niya yung pouch niya, may kinuha siyang mga panglagay sa mukha niya.

" Oh-- it looks like you are talking about me ? Psh and with this  flirt at mang- aagaw na transferee.  Sige lang tuloy niyo lang. "nakangisi niyang sabi, at naglagay ng lipstick. Agad namang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko pero  kinalma ko lang ang sarili ko.

" Anong sinabi mo? Huwag na huwag mong sasabihan ng ganyan si Jannah, dahil una sa lahat ay hindi siya ganun okay? "sabi ni Aileen.

"Gusto mo bang makalbong babae ka?! Ako talaga ginigigil mo eh! " sabi naman ni Aliyah, at si Wendy na may pagka-audience lang ang peg --what the--at may hawak na siyang pop corn ngayon. Ehh? Pop corn sa CR? Kaloka! Saan niya naman nakuha yun? At kailan pa siya nanjan? Kami lang tatlo nila Aileen at Aliyah dito kanina ah?

" Huh! Wala akong pakielam sa sinasabi niyo. Look, mukha namang aminado tong flirt at mang- aagaw na transferee na to dahil nananahimik lang siya hahahaha hey! Kamusta naman ang pagiging flirt mo sa fiance ko? Ayos din, mukhang pinag- usapan niyo pa isusuot  niyo today ah, nakaramdam ba kayong darating ako? "nakataray niyang sabi, at talaga namang lumapit pa siya sa akin at tiningnan yung suot kong damit,  hindi ko na talaga pinalagpas.

" Well to tell you this, I'm not flirting with him okay? And never akong nang-agaw, sayong sayo na siya. Hindi ko naman na kasalanan kung yun ang tingin niyo at nilalagyan niyo ng malisya ang lahat which is hindi naman dapat dahil una sa lahat, hindi ko ugaling lumandi dahil on the first place, I'm not like you. Sorry for the word pero I'm not a bitch like you and huwag na huwag mo mo akong itutulad sayo. "sabi ko, agad namang nag- iba ang mukha niya.

" What did you just say?! Ha! Ginagalit mo talaga ako Saavedra. Hindi pa ba pagfli-flirt ang tawag dun? Kabago bago mo pa lang lumalapit ka na, nung una kay Gabriel, at ngayon si Axel naman, which is my fiance? Talaga bang malandi ka lang hahahaha so paanong wag kitang igaya sa akin. To tell you this, I don't like you, Saavedra you flirt! Mang- aagaw! "inis niyang sabi, makita kong lalapit na sana si Aliyah sakanya pero pinigilan ko siya. I smirked at Stella.

"Well, hindi ako ang unang lumapit okay? He just want me to be his friends and just like what I've said, wala akong pakielam sa iniisip niyo pero ang sabihing flirt ako, jan tayo magkakatalo. The feeling is mutual. I don't like you too. And kagaya kay Axel, I'm not the one who approached him first, it's him. " sabi ko.

" Gustong gusto mo namang nilalapitan ka nila diba? Kasi malandi ka! " sabi niya.

" Just like what I've told you a while ago, hindi ako ikaw. " nakangisi kong sabi.

" Ganun? Itong sayo! * slap * " sabi niya at sinampal ako. Napa-right yung mukha dahil sa lakas ng sampal niya. 

" Sa susunod, pumili ka ng lalandiin okay? " sabi niya at maglalakad na sana paalis pero hinila ko siya paharap at sinampal ng tatlong beses. Mukha namang nagulat siya dahil natigilan siya. Nakita ko rin na parang hindi makapaniwala yung tatlo sa mga nakikita nila.

" Ooppsss---Napalakas yata. " sabi ko, masama niya kong tiningnan.

" I told you, the moment na lumapat yang kamay mo sa pisngi ko, mag- asawang sampal ang matatanggap mo, may kasama pang anak. I don't why you keep saying na mang- aagaw ako, they're just my friends. And Axel is my childhood friend. And malandi ako? Look at the mirror first. " seryoso kong sabi. Di siya makapag- salita dahil sa gulat. Ako rin ay nagulat sa sarili ko eh.

Oh My Ghost! | VReneWhere stories live. Discover now