OMG #13: Vengeful Ghost

88 24 0
                                    

OMG #13: Vengeful Ghost.



[ Jannah Asteraceae's P.O.V ]

I was walking home nung nakita ko na naman yung multong nanlilisik ang mata at may itim na aura. Agad akong tumakbo palayo sakanya at nakita ko siyang humahabol sa akin. Tumakbo lang ako ng tumakbo kung saan saan at nang lumingon ako sa likod ay wala na siya. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Pero nang humarap ako ay nanlaki ang mata ko. She's infront of me. She's super close. Sinakal niya ako. And I feel weak for the second time.

" W-What do you want? " nanlilisik niya akong tiningnan.

" You know what I want. And it's your body " nakakakilabot niyang sabi at ngumisi pa sa akin. I don't know what to do again.

Should I just give in?

 I am getting tired. 

Unti unti akong nakaramdam ng sobrang pagod at kusa na lang bumigay ang katawan ko.... Am I going to die?

" Ouch! " nanghihina kong sabi nang maramdaman kong bumagsak ako sa lupa.

" Go now, Aster! " sigaw ng lalaki, and nanlaki ang mata ko when I saw him.

" A-Axe... " sabi ko nang makita ang mukha niya. Siya na ngayon ang sakal sakal nung ghost. 

" N-No... N-Not him" nanghihina ko pa ring sabi. Naiyak ako nang makitang naglaho si Axe, pero bago yun ay ngumiti siya sa akin.. N-No....

" NOOOO!!!!!!"

" Hey, Aster! Wake up. You're having a bad dream again " rinig kong sabi ng familiar na boses. And when I open my eyes, nakita ko si Axel . I saw a worried look on his eyes. Naramdaman kong may luhang tumulo mula sa mga mata ko.

" Are you just fine? " nag-aalala niyang tanong

" Y-Yeah" sabi ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa kwarto ko na ako. Wait-- As what I remember, si Axe yung nakita ko bago ako nahimatay. Don't tell me siya yung nag-uwi sakin dito. Pero asan na siya?

" S-Si Axe... Where is he? " nag-aalala kong tanong. Sana di nangyari sakanya yung nangyari sa panaginip ko coz' I can't forgive myself If....

If  Something happens to him just because of me...

" Ace? Who is he? " nagtataka niyang tanong. And I realized na hindi niya nga pala ito kilala and he doesn't know anything.

" N-Nevermind. Anyway, paano ako nakauwi rito? " tanong ko sakanya

" I just saw you na wala ng malay sa may malapit sa entrance ng village natin. So, binuhat kita pauwi " sabi niya. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ng pagkahilo.

" Are you okay, Janny? " rinig kong sabi ni Aly na nakita kong nasa may kabilang gilid ko. I can't talk to her since Axel is here.

" Hey! Are you sure you are okay? You should take a rest " sabi niya pero umiling ako.

" No, I'm fine " sabi ko naman sakanya at tipid siyang nginitian

" I think tama siya, Janny. Magpahinga ka muna" rinig kong sabi ni Alyson, pero di ko siya magawang lingunin dahil nga nandito si Axel and another thing is, nahihilo pa rin talaga ako. Napatingin ako sa glass door ng terrace at nakitang tirik na tirik na ang araw. I think, nagtuloy tuloy na yung tulog ko kahapon ng himatayin ako.

Oh My Ghost! | VReneWhere stories live. Discover now