CHAPTER 15: TRIAL

41 11 20
                                    

Stephanie's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Stephanie's POV

"Tara, guys, i-try nating gamitin 'yung Cerebraline!" excited na sigaw ni Jia dahil nasabik yata siya sa ideyang pumasok sa isip niya.

"Kanino naman natin ita-try 'yan?" tanong ni Angel na tinatamad kumilos ngayong araw.

"Tatlong piraso pa ito, sa atin kaya? tig-iisa tayo," sagot niya na tinititigan pa ang pill na nasa loob ng medicine bottle.

"Tanga, paano natin mao-observe 'yung effect niya?" tanong ko kaya na-realize niya na hindi nga namin pwedeng itry ito.

"Ay oo nga 'no, kay Tita na lang kaya?" tanong niya na hindi ko alam kung dapat ko bang sang-ayunan.

"Kay Mommy?" pangungumpirma ko kung ang mommy ko ba ang tinutukoy niyang tita.

"Oo, 'di ba gusto mong maalala ka niya? According sa research paper ay isang oras lang ang epekto nito, sulitin mo na, sis," sagot niya na ine-encourage akong gawin namin ang naisip niya. Gusto ko ang suhestiyon niya pero natatakot ako sa maaaring kalabasan ng gagawin namin kapag nagpadalos-dalos kami.

"Ano ka ba, Jia. Paano kung may masamang side effect 'yon? Baka kung ano pa ang mangyari kay Tita," pagkontra ni Angel sa kaniya.

"Nakalagay naman sa paper na safe iyon, 'di ba? At isa pa, wala naman iyong expiration date kaya pwede pa natin itong gamitin kahit na matagal na panahon na ang lumipas," depensa ni Jia kaya mukhang magde-debate pa silang dalawa ngayon.

Makikinig na lang ako at kukuha na lang ng popcorn para gawing snacks habang pinapanood sila. Mukhang mahaba-haba pa ang debate nila.

"Hindi naman kasi sa ayaw kong itry natin, pero paano kung may mapahamak sa gagawin natin?" paliwanag ni Angel kaya nag-isip na naman ng isasagot si Jia.

"Ano pa ang sense ng paghahanap natin dito kung hindi rin naman natin gagamitin?" tanong ni Jia kaya mukhang hindi makasagot si Angel ngayon.

"Sige, kayong bahala. Basta huwag niyo akong sisihin kapag may nangyaring masama, binalaan ko na kayo," sagot ni Angel at wala nang sumagot pa sa kanila.

Nagkatinginan pa kaming tatlo at nagpakiramdaman. Parehong may point naman sila; tama si Jia na kailangan namin itong subukan pero tama rin naman si Angel na kailangan naming i-consider ang safety ng lahat.

"Si Stephanie na lang ang tanungin natin, kung ano ang desisyon niya ay siyang gagawin natin dahil ang safety ng mommy niya ang nakasalalay dito," seryosong suhestiyon ni Jia kaya natuon ang atensyon nila sa akin.

It took me five minutes bago ako makapag desisyon. Tinimbang ko muna nang mabuti ang sitwasyon at ang mga posibleng maging advantages at consequences ng mga gagawin namin. Hindi ako pwedeng mapagdalos-dalos dahil buhay ang nakasalalay dito.

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now