CHAPTER 17: MIDDLEMIST RED

35 10 49
                                    

Jia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Jia's POV

Nasa airport ako ngayon para pumunta sa bansang New Zealand. Isa lamang ito sa iilang mga bansang may halamang middlesmist red, ang rarest na halaman sa mundo. Ang petals nito ay nagtataglay ng mga properties na gagamitin namin para mapatagal ang epekto ng Cerebraline.

Halos apat na buwan ding nahinto ang operasyon namin dahil sa mga hindi inaasahang pangyayaring naganap sa pamilyang Montefalco, ang pamilya nina Angel. Kung ako ay nasasaktan para sa mga nangyari sa pamilya nila, siguradong siya ang higit na mas nasasaktan. Hindi ko alam kung paano pagagaain ang loob niya.

Two months ago, natagpuang patay ang daddy niya sa loob ng kulungan. Ayon sa kanila ay nagpakamatay daw ito sa pamamagitan ng paglalaslas. Dahil sa masamang balitang 'yon na hindi kinaya ng mommy niya, inatake ito sa puso at binawian din ng buhay. In short, ulila na sila ngayon.

Marami ang nagluksa sa pagkawala ng mag-asawang Montefalco. Malaki kasi ang naging ambag nila sa larangan ng medisina. Kung hindi lang dahil sa kasakiman, hindi sana masisira ang buhay nila. Mabuting tao ang mga magulang ni Angel, lagi silang bukas at handang tumulong sa mga nangangailangan . Winasak lamang ng greediness ang puso at isipan ni Tito Hector kaya niya nagawa 'yon.

Naaawa ako sa kapatid niyang si Suzy dahil sa murang edad, nawalan na siya ng hindi lamang isa kundi dalawang magulang. Si Angel na ngayon ang tatayong magulang ng nakababatang kapatid niya.

Hindi muna namin ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Cerebraline noong mga panahong iyon para hayaan munang magluksa si Angel. Maging kami ay nagluksa rin dahil napakalapit din namin sa pamilyang Montefalco. Inasikaso rin ni Angel ang mga properties na naiwan ng mga magulang nila. Bumalik na rin siya sa bahay nila para samahan ang kapatid.

Gayunpaman, pinili pa rin ni Angel na ipagpatuloy lang ang buhay. Ayon sa kaniya ay hindi naman titigil ang ikot ng mundo dahil lang sa nahihirapan at nasasaktan siya. Bilib ako sa katatagan ni Angel, napakaraming pagsubok sa buhay ang hinarap niya sa taon lang na ito pero nananatili pa rin siyang matatag.

Kasalukuyan siyang nasa Canada ngayon habang si Stephanie naman ay nasa South Korea para hanapin ang mga mahahalagang ingredients na gagamitin namin sa Cerebraline. Kinailangan na naming maghiwa-hiwalay para mas mapadali ang trabaho.

Hinatid ako kanina ng pamilya ko pero pinauwi ko rin sila kaagad. Dumaan din sila kay Suzy na walang ibang kasama ngayon sa bahay nila maliban sa kasambahay na kinuha ni Angel. Napakalaking trauma ang naidulot ng mga karanasan niya sa taong ito. Bilang psychologist, ginagawa ko ang lahat para matulungan siya.

Ilang oras lang ay lumipad na ang sinasakyan naming eroplano. Habang nakatulala sa bintana at pinagmamasdan ang nga ulap, hindi ko maiwasang isipin ang tungkol kay Jayro.

Pag-uwi ko ay mamamanhikan na siya at malapit na kaming ikasal.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang naging usapan namin noong araw na sinorpresa ako ng pamilya ko at mga kaibigan...

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now