CHAPTER 7: ROSES

86 32 26
                                    

Jia's POV

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Jia's POV

Habang nagmamaneho pauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging reaction ni Angel sa sinabi ko. Masyado ba akong naging harsh? 

Galit kaya siya sa akin? Na-offend ba siya sa sinabi ko? Wala talaga akong gustong iparating nang sabihin ko iyon, I swear.

Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang reaction niya. Wala akong pinagbibintangan, nagkataon lang na ganoon ang naging conclusion ko based sa mga nakita ko. Siguro, kailangan ko na ngang bawasan ang pagco-conclude sa mga bagay-bagay.

At isa pa, hindi pumasok sa isip ko na magagawa ng tatay niya iyon. Masyado lang siguro siyang maraming iniisip sa ngayon, kailangang intindihin ko na lang siya.

Pagkauwi sa bahay ay bumalik lang sa maganda ang mood ko nang maabutan ko ang kapatid at pamangkin ko sa sala. Abala na naman sa pag-aaral si Celine. Bukod sa napakatalino niya, wala rin yata siyang ibang ginagawa kung hindi ang mag-aral nang mag-aral.

"Bakit hindi ka muna magpahinga at maglaro, Celine? Masyado mong nilulunod ang sarili mo sa pag-aaral," pamumuna ko sa pamangkin ko. Halos araw-araw yata, kahit na nasa bakasyon ay hindi siya tumitigil sa pag-aaral. Hindi naman masama ang mag-aral, maganda nga iyon eh. Ang sa akin lang naman, hindi dapat tayo masyadong malunod sa pag-aaral. Kailangan din nating i-enjoy ang mga bagay sa paligid.

"Hayaan mo na at gusto niyang manalo sa quiz bee. At isa pa, wala naman siyang makakalaro," sagot ni Ate Pauve. Alam ko na kung kanino nagmana sa kasipagan sa pag-aaral si Celine, sobrang sipag din kasing mag-aral ni Ate Pauve noon.

Konting tiis na lang Celine, makakahanap din ng mas madaling paraan ang tita mo para mas madali mong mapanalo ang quiz bee na iyan. Hindi mo na kakailanganing ubusin ang araw at gabi para lamang sa pag-aaral. Sana lang talaga ay magtagumpay kami.

"Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa para may makalaro naman ang pamangkin mo? Isa pa, gusto ko na ring magkaroon ng pamangkin," panunukso ni Ate Pauve. Palagi akong tinatanong ni Ate tungkol sa bagay na iyan pero palagi ko ring iniiwasan. Hindi ko naman kailangang i-pressure ang sarili ko sa pag-aasawa. Kusa namang darating iyon.

"Ate naman ehh, alam mo namang hindi ko muna priority 'yan sa ngayon," sagot ko sa kaniya pero maging ako ay hindi sigurado sa sinabi kong iyon.

"Hindi priority? Ano ka, teenager na study first? Hindi ka na bumabata, Jia," pangangaral ni Ate Pauve. Bakit ba atat siya na magka-lovelife ako?

Nagulat ako nang umakyat siya sa itaas at pagbalik niya ay may dala na siyang isang bungkos ng rosas.

"Galing pala kanina rito si Jayro, sayang at hindi ka niya naabutan. Pinapabigay niya na lang sayo ito," inabot sa akin ni Ate Pauve ang mga red roses.

"Seryoso?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" nakapamewang na tanong siya.

Project Cerebraline [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora