CHAPTER 22: REGRETS

30 9 27
                                    

Stephanie's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Stephanie's POV

Sa buong linggong ito, wala akong ibang ginawa kung hindi pagsisihan ang mga kamailang nagawa ko. Napakaraming "what if" thoughts ang bumabagabag sa isipan ko.

What if hindi na lang namin ito ginawa sa simula pa lang?

What if hindi na lang binigay sa akin ni Manang Susan ang susi ng laboratory?

What if walang Cerebraline?

What if hindi ko na dinamay ang kaibigan ko?

What if itinuloy ko na lang ang pagtatrabaho sa drugstore at hindi ko na pinasok ang complicated na bagay na ito?

What if may mangyaring masama sa pamilya namin?

What if mawala sila sa amin?

What if sumunod na lang kami sa tamang proseso at nagsagawa ng clinical trials?

Anuman ang isipin ko, ilang beses ko mang sisihin ang sarili ko, wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. Ang tanging magagawa lang namin ay harapin ang mga pagsubok at gawan ng solusyon ang problemang ginawa namin.

"Ubos na ang stocks natin ng atidepressants," ani Angel na halatang pagod na pagod na rin ngayon. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang i-monitor ang lagay ng pamilya namin na mas lalong lumalala sa bawat araw na lumilipas.

"Huwag kang mag-alala, dadaan ako mamaya sa drugstore," sagot ko sa kaniya.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko na hihikayatin pa ang mga kaibigan ko para gawin ang ganitong uri ng project kahit na labag sa kalooban ko dahil ito ang huling habilin ng aking ama. Kung nakikita niya lang siguro ako ngayon, siguradong disappointed siya sa nag-iisa niyang anak na pinagkatiwalaan niya nang lubos.

Parang gusto ko na lang sumuko. Pero kapag sumuko kami, maraming inosenteng buhay na mahahalaga sa amin ang mapapahamak dahil na rin sa sarili naming kagagawan. Ang hirap, kung magtatagal pa ito ng ilang buwan ay siguradong kami naman makakaranas ng tinatawag na depression.

Sabi nila, hindi raw masamang magpahinga kapag napapagod ka pero hindi applicable para sa amin iyon. Kapag nagpahinga kami nang kahit isang araw o isang oras man lang, buhay ng mga mahal namin sa buhay ang maaaring maging kapalit.

Halos hindi na ako matulog gabi-gabi dahil sa pag-aaral sa kung ano-anong chemicals na maaaring may potential na maging sagot sa mga suliranin namin. Sina Angel at Jia ay hindi na rin magawang umuwi sa kanilang mga tahanan. Wala nang mukhang maihaharap si Jia sa kaniyang pamilya.

"Ayos ka lang?" pangungumusta sa akin ni Jia nang mapansing nakatulala ako sa kawalan.

"Magiging maayos lang ako kapag natapos na ang problema nating ito," nawawalan na ng pag-asang sagot ko.

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now