CHAPTER 21: CONSEQUENCES

33 9 38
                                    

Angel's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Angel's POV

"Ate, bakit nagfa-flashback ang mga memories ko noong bata ako?" hindi ako mapakali nang itanong iyon ni Suzy habang nakahawak pa sa ulo.

"Anong nangyayari? Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko. Para akong masisiraan ng ulo rito dahil sa sobrang pag-iisip at pag-aalala.

"Kumalma ka nga, Angel," pagpapahinahon ni Stephanie sa akin.

"Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kapatid ko?!" hindi ko napansing nasigawan ko pala siya dahil sa sobrang pag-aalala.

"Wala ka rin namang magagawa kung magpa-panic ka riyan!" naiinis na sigaw niya.

"Guys, mas lalong walang mangyayari kung mag-aaway kayo riyan," pang-aawat ni Jia dahil muntikan na naman kaming magkasagutan ni Stephanie.

"Ate, miss ko na sina Mommy at Daddy," umiiyak na saad ni Suzy, dahilan para makaramdam ako ng awa sa kaniya. Ilang buwan pa lang simula nang mawala ang mga magulang namin at hindi pa rin naghihilom ang mga sugat na idinulot nito sa aming mga puso.

"Tumahan ka na, Suzy. Siguradong hindi sila matutuwa kapag nakita ka nilang umiiyak," 'pagpapatahan ni Stephanie sa kaniya.

"Bigla po kasing pumasok sa isip ko ang mga memories noong magkakasama pa kami,"
humihikbing tugon ni Suzy.

"Mukhang tumalab na sa kaniya ang epekto ng Cerebraline na nagpapabalik sa memories ng isang tao," wika ni Jia.

"Pero... hindi naman niya kailangan 'yun diba? Ang karunungan lang sa Physics at Chemistry ang kailangan niya," sagot ko. Hindi naman kailangan ng kapatid ko ang pagbabalik ng memories niya, sa tingin ko ay makakasama lamang iyon para sa kaniya.

"Hindi naman naka-specify sa pinainom natin sa kanila kung alin sa tatlong bagay na iyon ang maibibigay ng gamot," sagot ni Stephanie na mukhang problemado na ngayon dahil may mali sa ginawa namin.

"It means, mapupunta lahat sa kanila ang memories, knowledge sa Mathematics, Physics, at Chemistry?" tanong ni Jia.

"Oo," pangungumpirma ni Stephanie kaya nasapo na lang namin ang aming mga ulo dahil sa isa na namang kapalpakan na nagawa namin.

"Paano natin malalaman kung gumagana nga ito?" tanong ko sa kanila.

"Edi subukan natin," pilosopong sagot ni Jia. Oo nga naman, nabobobo na talaga ako sa sobrang stress.

"Suzy, sagutin mo ang itatanong ko ah," pagkausap ni Stephanie sa kapatid ko.

"Sige po," sagot naman ni Suzy.

"What is a mixture of potassium nitrate powdered charcoal and sulphur called?" tanong ni Stephanie.

"Gun powder," wala pang tatlong segundo ay nasagot na ito ni Suzy na para bang hindi man lang pinag-isipan.

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now