CHAPTER 18: J&J

44 10 58
                                    

Jia's POV

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Jia's POV

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Jayro nang mapansing gising na siya. Hindi ko na siya ginising kanina kahit na nagulat ako sa presence niya dahil ayoko namang maistorbo ang tulog niya.

"Gusto kitang makita, Sweetie," malambing na sagot niya. Sweetie? Ang baduy naman mygad.

Valid reason ba ang gusto niya akong makita para lumipad pa siya mula Pilipinas papuntang New Zealand? Matalino naman siya, bakit hindi siya nag-iisip?

"Ano?! Bakit hindi na lang naghintay na makauwi ako?" nakapamewang na tanong ko sa kaniya. Ganu'n ba niya ako ka-miss?

"Sobrang miss lang talaga kita," nagpapa-cute na sagot niya. Hay naku!

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko sinabi sa kaniya ang address ng hotel na tinutuluyan ko.

"You told me na pupunta ka sa New Zealand, remember?" pilosopong sagot niya.

"Alam ko, pero paano mo nga nalaman ang exact location ko?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Isang pamimilosopo pa, mababatukan na talaga siya sa akin.

"That's my brain," mayabang na sagot niya at kinindatan pa ako. Babatukan ko na sana siya pero mabilis siyang nakailag.

"Bahala ka riyan," naiinis na sagot ko.

"Ayaw mo sa presence ko? Sige, uuwi na lang ako," malungkot kunwaring sagot niya. Tsk, kalalaking tao, ang pabebe.

"Tanga, sumabay ka na sa akin. Uuwi na rin ako bukas," sagot ko sa kaniya na ikinatuwa niya. Tsk, pabebe.

"Yes!" masayang reaksyon niya.

"Pero doon ka sa sofa matutulog," sagot ko naman. Hindi naman kasi kalakihan ang hotel room na nirentahan ko at iisa lang ng kama nito.

"Okay," masaya pa ring sagot niya na mukhang excited pa.

Sinabi ko na sa kaniya ang tungkol sa Cerebraline, may tiwala naman ako sa kaniya. Malapit ko na siyang pakasalan kaya sa tingin ko may nalalaman dapat siya sa mga ginagawa ko sa buhay.

At isa pa, isa siyang architect at halos nasa field ng architecture and engineering ang pamilya nila kaya malabong magkaroon sila ng interes dito. Wala na sigurong mangyayari pagsasabotahe sa plano namin para lang sa pansariling interes.

NANDITO ngayon sa bahay ang buong pamilya ko, mga kaibigan, at ang pamilya ni Jayro. Tinotoo nga niya ang pinangako niya pagkauwi namin.

"Ang swerte mo naman kay Jayro. Biruin mo, 2035 na pero ginawa niya pa rin ang tradisyonal na pamamanhikan," ani Angel habang kumakain kami sa mga pagkaing dala ng mga magulang ni Jayro.

Totoong maswerte nga ako kay Jayro, hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit. Maging sa pamilya niya ay maswerte rin ako dahil parehong mabait at supportive ang mga magulang niya.

Project Cerebraline [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora