CHAPTER 5: LAST MESSAGE

79 35 8
                                    

Stephanie's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Stephanie's POV

Hanggang sa tuluyan kong mapasok ang laboratory ay hindi pa rin ako makapaniwala. Alam kong mahilig sa inventions ang daddy ko pero first time ko lang na makita ang laboratory na ito. It's a state-of-the-art laboratory.

Ang alam ko lang na laboratory niya ay ang laboratory sa first floor ng aming bahay kung saan ko siya madalas na nakikitang abala. Hindi ko alam na may isa pa pala siyang laboratory na halos sampung beses na mas malaki sa laboratory niya na nakita ko noon. Simula nang mawala si Daddy ay hindi ko na ulit sinubukang pumasok doon. Paano kaya nila napagkasya sa bahay ang isang ganito kalaking laboratory?

Sinadya niya kayang itago sa akin ang tungkol sa laboratory niyang ito at ipaalam pa lang sa akin sa tamang panahon? Bilib na ako kay Daddy noon pa man pero hindi ko inakalang mas lalo niya pa pala akong mapapabilib kahit na wala na siya.

Hanapin mo ang isang kulay itim na box diyan at malalaman mo kung ano ang iyong misyon.

Hanapin mo ang isang kulay itim na box diyan at malalaman mo kung ano ang iyong misyon.

Hanapin mo ang isang kulay itim na box diyan at malalaman mo kung ano ang iyong misyon.

Hanapin mo ang isang kulay itim na box diyan at malalaman mo kung ano ang iyong misyon.

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabing iyon ni Manang Susan. Tama! Kailangan kong mahanap ang black box na iyon. Iyon ang ipinunta ko rito kaya hindi na ako dapat na magpaligoy-ligoy pa. Si Manang naman kasi eh, bakit iniwan niya akong mag-isa rito.

Ganoon na lang siguro talaga kalaki ang tiwala ni Daddy kay Manang para ipaalam sa kaniya ang sikreto niyang ito. Sobrang tagal na rin kasing nagtatrabaho ni Manang para sa pamilya namin kaya buo na ang tiwala namin sa kaniya.

Nagpaikot-ikot ako sa napakalaking laboratory na ito para mahanap ang isang itim na box. Halos kalahating oras na akong nagpapaikot-ikot pero wala pa rin akong nahahanap. Hindi naman siguro ako niloloko ni Manang diba?

Naagaw ang atensyon ko ng isang study table, kumikinang ito. Bagong-bago ang hitsura nito at mababakas mula rito na ito ay may kamahalan. Bakit naman sila mag-aaksaya ng ganoon karaming pera para lamang sa isang lamesa?

Sa itaas ng table ay natanaw ko ang isang electron microscope. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang microscope. Sinubukan kong lumapit dito at nagulat ako nang paglapit ko ay biglang nag elevate mula sa table ang isang itim na box. Ito na marahil ang hinahanap ko.

"Hi, Stephanie," napatalon ako sa gulat nang may marinig akong tinig mula sa box. Hindi ako magugulatin pero lahat naman siguro ay magugulat kapag biglang nagsalita ang isang kahon at tinawag pa nito ang pangalan mo.

"Don't be scared. I am your Dad's invention," dagdag pa nito. Nakakawindang naman ito.

Mas lalo akong namangha sa galing ni Daddy sa pagtuklas ng mga bagong bagay at kagamitan. Hindi niya sinabi sa akin na nakagawa pala siya ng isang kahon  na nagsasalita. Pinakilala niya pa talaga ako sa ginawa niyang talking box.

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now