CHAPTER 24: NOT NOW

32 9 47
                                    

Angel's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Angel's POV

"Ano na namang ginagawa mo rito?" bungad ni Jia kay Robirich nang makababa kami.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito? Bahay mo ba 'to? Bakit lagi kang nandito?" pambabara ni Robirich kay Jia. Kahit kailan talaga, hindi na sila nag-mature.

"Steph oh, inaaway ako," pagsusumbong ni Jia kay Stephanie.

"Ewan ko sa inyo, gutom lang 'yan," sagot ni Stephanie at nag-abot ng meryenda.

Napatingin naman ako sa lalaking kasama niya, mukhang kaedaran lang namin ito at may hitsura naman. Halata sa pormahan niya na may sinabi siya sa buhay.

"Ayos, pre. Mukhang type ka yata. Sabi ko sa 'yo eh, mahahanapan kita ng love life," bulong ni Robirich sa kasama niya pero dinig na dinig ko naman. Ako ba ang tinutukoy niyang may type sa kaniya?

"Ipakilala mo naman kami sa kasama mong papi," ani Jia habang nginingitian 'yung kasama ni Robirich.

"Huwag kang maharot, para kay Angel 'to," sagot ni Robi kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Duh, nagpapakilala lang, humaharot na? May fiance na kaya ako," depensa naman ni Jia.

"Anong para sa akin na naman?!" masungit na tanong ko. Tinuloy niya yata ang plano niyang pagrereto sa akin. Akala ko noon ay nagbibiro lang siya kaya hindi ko na masyadong pinansin.

"Sinabi kong irereto kita sa kaibigan ko, hindi ba? Siya nga pala si Dirk Norris Sevilla, Dino for short. Pare, siya si Angel Jane Montefalco, ang future girlfriend mo," pagpapakilala ni Robirich kaya muntikan ko na siyang mabato ng kung ano mang mahawakan ko.

"Anong kalokohan na naman 'to, Robirich?" naiinis na tanong ko. Kung wala lang talagang ibang tao rito ay kanina pa ako nakapanakit.

"Pinakita ko sa kaniya ang picture mo, na love at first sight ata sa 'yo," sagot niya. Nakita ko namang pasimple siyang sinipa ng kasama niya.

Nakakainis, hindi ko alam kung mahihiya ako o magagalit. Gusto kong basta-basta na lang umalis pero baka mabastusan sila sa akin. Dapat talaga ay sina Robirich at Jia na lang ang magkatuluyan, pareho silang mga siraulo.

"Not now, please. Marami pa akong inaasikaso. Masyado akong busy, wala akong time para lumandi," masungit na sagot ko. Bahala na kung ma-turn off sa akin iyong si Dino, masyado pa talaga kaming maraming gagawin at wala akong oras para sa love na 'yan.

"Ano ba 'yang pinagkaka abalahan mo at hindi ka man lang makapag 'hi' sa bisita mo?" panunukso pa ni Robirich. Nanggigigil talaga ako sa bwisit na 'to. Humanda siya sa akin.

"Hindi ko muna priority sa ngayon 'yan. Ang kailangan ko ngayon ay ang mahanap ang solusyon sa Cereb—" natigilan ako at natakpan pa ang bibig ko nang ma-realize na hindi ko dapat sinabi 'yon. Mabubuking kami dahil sa katangahan ko. Ang tanga naman, Angel.

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now