CHAPTER 30: SUCCESS

36 10 41
                                    

Stephanie's POV

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Stephanie's POV

Sobrang hirap. Iyan na siguro ang pinaka accurate na description para sa lahat ng bagay na pinagdaanan namin para lang sa Cerebraline. Hindi biro ang mga sakripisyong ginawa namin para lamang magawa ito.

Gaano man kahirap ang mga pinagdaan namin, nagawa pa rin naming lagpasan ang mga ito dahil palagi kaming magkakasama at nagtutulungan. Hindi namin nagawang pabayaan ang isa't isa. Ang tagumpay ng isa ay tagumpay din ng lahat. Basta sama-sama, ang lahat ng bagay ay nagiging mas madali.

Kahit na sobrang busy namin, ginawa pa rin namin ang lahat para mamuhay ng normal na katulad ng isang normal na tao. Ginagawa pa rin namin ang mga hilig namin at hindi kami kailanman nawalan ng sapat na oras para sa pamilya namin. Mas pipiliin siguro naming huwag na lang itong gawin kung ang kapalit naman nito ay ang mga oras at pagkakataon na makakasama namin ang aming pamilya.

Sa katunayan ay halos magkakasunod na taon lang nang kami ay ikasal. Unang ikinasal sina Jia at Jayro. Pagkatapos lang ng halos isang taon ay kami naman ni Julian ang ikinasal at sa sumunod na taon ay sina Angel at Dino naman. Friendship goals nga raw kami sabi ni Jia.

Kahit na hindi sabay-sabay na ikinasal, halos sabay-sabay lang nang magka anak kami. Parang kaming tatlo ang nakikita ko kapag pinagmamasdan ang mga anak namin. Parang kailan lang ay mga musmos lang kami at magkakasamang tumuklas sa mundo. Ngayon ay may kaniya-kaniya na kaming mga anak at tumutuklas ng isang bagay na magpapabago sa mundo.

Sa pagdating nga panahon, sana ay maging magkakaibigan din ang mga anak namin. Sana ay magkakasama rin sila s pagkilala sa mundo. Sana ay makalikha rin sila ng malaking pagbabago rito sa mundong ating ginagalawan.

Mahabang panahon at napakalaking halaga ng pera ang ginamit namin para rito. Mas maraming ingredients pa ang kinailangan namin dahil kailangan naming sundin ang tamang procedure. Nagsagawa muna kami ng mahigit limang taon na clinical trials para mas maging ligtas ang paggamit nito.

Naniniwala akong sa pagdating ng panahon ay makakahanap din kami ng alternatives para maging mas affordable ang gamot na ginawa namin. Hindi lamang ang mga mamayan ang may karapatang gumamit ng mga magahandang bagay sa mundo. Sa ngayon ay kailangan muna naming magtiis sa napakataas nitong presyo.

Sumunod kami sa tamang proseso para sa paggawa ng gamot. Humingi rin muna kami ng permit mula sa Food and Drug Administration at iba pang ahensya ng pamahalaan bago kami nagsagawa ng mga clinical trials. Sa una ay ayaw pa nila kaming bigyan ng permit dahil isa lamang daw itong kalokohan at imposibleng makagawa ng ganoong uri ng gamot.

Hindi kami sumuko, pinatunayan namin na may saysay ang ginagawa namin at isa ito sa mga bagay na magbibigay ng malaking ambag sa hinaharap. Hindi namin hahayaang masayang ang lahat ng paghihirap namin dahil sa mapanghusgang mga tao.

Nakakatuwang isipin na kahit hindi kami tunay na mga scientist by profession ay nagawa pa rin naming makatuklas ng isang pambihirang bagay. Ang lahat nang iyon ay dahil sa aming pagkakaisa.

Project Cerebraline [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن