PROLOGUE

202 39 7
                                    

Sa paglipas ng panahon, ang larangan ng teknolohiya ay patuloy na napapaunlad sa tulong ng Agham

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa paglipas ng panahon, ang larangan ng teknolohiya ay patuloy na napapaunlad sa tulong ng Agham. Napakaraming kaalaman ang natutuklasan ng mga tao na dulot na rin ng modernong panahon.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, malaki ang naitutulong nito sa larangan ng medisina.

Bawat araw ay hindi tumitigil ang mga tao sa pananaliksik ng panibagong kaalaman. Lahat ng imposible ay nagagawa nilang posible dahil sa teknolohiya. Ang mga nakamamatay na mga sakit ay nabibigyan ng lunas. Halos lahat ng problema ay nagagawan ng solusyon.

Naisip mo na ba na maaaring magkaroon ng gamot na makakapagpa-alala sayo sa lahat ng bagay simula nang ikaw ay isilang?

Minsan mo na bang pinangarap na makainom ng gamot na magbibigay ng kaalaman sa iyo sa larangan ng Mathematics, Chemistry, at Physics sa isang iglap lang? Hindi mo na kailangang mapagod sa pag-aaral kapag nangyari iyon.

Kung intresado ka sa bagay na ito, samahan mo ako sa pagtuklas sa kwento ng tatlong magkakaibigan na sina Stephanie, Angel, at Jia. Ang layunin nila ay maimbento ang gamot na "Cerebraline" para makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay na nangangailangan niyon.

Dahil sa labis na kasabikan, nakalimutan nilang isaalang-alang ang proper ethical and safety considerations na kailangan ng bawat mananaliksik. Dahil dito, nalagay sa alanganin ang buhay ng kanilang mga minamahal. Magagawa kaya nilang isakripisyo ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay para sa kanilang new discovery?

Project Cerebraline [COMPLETED]Where stories live. Discover now