Chapter Twenty-Nine: TRANSFORMATION

52 15 36
                                    

RJ's POV


Nandito na kami ni Ate Hailey sa bahay nila at wala si Maky. Hinahanap mo? Duhh konsensiya, di ahh. Mga kasambahay, drivers at hardinero ang nadatnan namin dito sa bahay nila. Wala din ang mommy at daddy nila. Nasa work siguro sila. Alam niyo naman kapag mayayaman. Laging busy. Choss.

Nandito na kami ngayon ni Ate Hailey sa may sala nila. Malawak ito at may malaking 82" Samsung LED TV. Laki diba? Sa magkabilang panig ng tv ay may tower speaker. Sa center table naman ay may nakapatong na flower vase at nang hawakan ko ang bulaklak ay tunay pala ito. Huwaw. Siyempre, yayamanin. Iba talaga ang mga Morrison.

Itinuro rin ni Ate Hailey sa akin kung paano magtanggal at maglagay nitong contact lens. Mahirap na madali pero masasanay din ako. Yung kanyang contact lens ay walang grado ito kasi hindi pa naman malabo mata niya. Pang-fashion niya lang daw ang mga contact lens. Oo, marami siyang contact lens. Iba't ibang kulay. Ipinakita niya ang mga ito sa akin.

So ngayon ay inihahanda na ni Ate Hailey ang gagamitin niyang pang-make up. Ang dami niyang inilabas. Iniisa-isa ko itong tinignan. May Face Primer daw, may BB Cream, siyempre may foundation (alam ko to. Hahaha), concealer, highlighter at iba pang di ko alam kung saan ilalagay ni Ate Hailey sa mukha ko.

Sa mata naman siyempre hindi mawawala ang eye shadow, may eye primer din, mascara, eyeliner at eyebrow product. Meron din siyang iba't ibang color ng lipsticks at iba't iba klase din na lipsticks. Mga branded lahat. Alangan naman na hindi branded no.

May mga ganito siyang gamit? Gagamitin niya ba lahat to sa mukha ko? Hindi ba mangangati mukha ko sa ilalagay niya? Hindi kasi ako sanay mag-make up at mas lalong di ko alam mag-make up. Hays. Bahala na.

"Uhm ate. Gagamitin mo ba lahat ng to? Pwede bang light make-up lang? Di po kasi ako sanay. Baka mangati tong mukha ko. Hehehe." sabi ko kay Ate Hailey na ready'ng ready na at nakahawak na ng brush.

"Okayy. Sabi mo eh. Let's start." at nagsimula na siyang maglagay-lagay ng kung ano-ano sa mukha ko.


Hindi ko na alam kung ano-anong inilagay ni Ate Hailey sa mukha ko. Katatapos niya lang dito sa mata ko at pumipili na siya ng kulay ng lipstick. At nang makapili ay lalagyan na sana niya ang lips ko nang may pumasok.

Pagkalingon ko sa may pintuan ay si Maky yung dumating. Shocks! Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya tong hitsura ko? OMZ! Kaya naman tumingin ulit ako kay Ate Hailey pero nagsalita siya.

"Wait li'l bro. What do you think of RJ's transformation?" inilagay na niya yung lipstick. "Look at her." pero hindi pa rin ako lumilingon ng magsalita siya.

"Transformation? Ano siya transformers??" leche flan! Ginawa pa akong transformers. Di ba pwedeng pagbabago lang? Nga naman, pwede naman na changes ang sinabi ni Ate Hailey. Transformation pa kasi. Hehehe.

"You are so mean! Sige na RJ, lumingon ka na para makita ni Maky kung gaano ka kaganda." utos sa akin ni Ate Hailey.

Bumuntong hininga muna ako tapos unti-unti akong lumingon na nakayuko. Nahalata siguro ni Ate Hailey na nakayuko ako kaya naman hinawakan niya ako sa ulo at inangat ito. Buti na lang di natanggal ulo ko. Lol.

At ngayon, kitang-kita ko na kung paano kumunot ang noo ni Maky na may taas kilay pa.

"Tsk. Kahit ano pang transformation ang gawin mo sa kanya. PANGIT pa rin niya." awts naman. Diniinan pa talaga ang salitang pangit.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon