Thirty

10.4K 296 46
                                    

Tumingala ako sa langit nang nakita kong unti-unti nang pumapatak ang butil ng ulan. Ang mga bulaklak ay sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Dumidilim na.


Napapikit ako at dinamdam ang malamig na pagdampi ng hangin sa pisngi ko. I'm all alone, sitting outside the nipa hut, in the middle of the wide sunflower farm. Nakatingala sa langit at kinakabahan.


"Ayumi..." I whispered in the air. "Where are you, love?"


The sky became darker as the time passed by. Hindi ko alintana ang lamig na nararamdaman ko. Nanatili akong nakaupo at naghihintay sa pagdating niya.


Will she come? I really hope she will.


I made a promise to my parents and I intend to fulfill that. My mom always reminds me about that everytime na nag-aaway kami.


I promise to take care of Snow.


Snow... I used to call her that. I remember her as the talkative daughter of Tita Helen. Bata palang ay magkakilala na kami. We basically grew up together. She had this annoying personality in where she can easily make friends with anyone she just met. I find it annoying, yes. Naiinis ako sa mga lalaking mabilis niyang nagiging kaibigan kahit alam naman niyang iba ang pakay.


I may not admit it to her, but she's very beautiful even with her young age. Mas lalo pa't sobrang tangkad niya. She can easily turn someone's head effortlessly. Ayoko ng ganoon kaya parati kaming nag-aaway kahit sa walang kwentang bagay.


"I like you!"


Natigilan ako sa narinig. Her voice echoed on the empty corners of the gymnasium. Ang planong paglapit ay naantala. She closed her eyes na para bang ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ko.


"I like you a lot, Fiero"


Napatitig ako sa kanya. I find it hard to believe her words. I know her. She loves to annoy me more than anything. Ilang taon na ang nakalipas at eto pa rin ang ginagawa niya. Is she pranking me?


"The feeling's not mutual" I answered flatly.


I noticed how her reaction changed. Very different from the smug smile she had everytime she'll annoy me. Natigilan siya kaya't nagkaroon ako ng pagkakataong titigan pa siya.


Years passed since they went to Japan. Kami rin naman ay bumalik din sa Italy kaya hindi na kami muling nagkita hanggang sa nag kolehiyo. Nang nagkita naman ay hindi na ganoon kalapit sa isa't-isa. Aaminin ko, ang daming nagbago sa kanya. She grew up more beautiful than I expected. I heard she's popular among the boys in every department. May iba pang lumalapit sa akin para magpatulong, tinataboy ko pag ganoon. Minsan naman ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na magtangka pa ang ibang lalaking may planong manligaw. My friends noticed how I blocked her every suitor, ang palagi kong dahilan ay ang pangako ko kay Mama. Marami din ang nagtangka pero hindi natutuloy dahil sa akin.


Kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya nang umamin siya sa nararamdaman. I felt like she's just fooling around.

Chasing FireWhere stories live. Discover now