Two

13.4K 318 56
                                    

"Oy, tulala ka?"


I eyed Yra na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. I didn't even notice na dumating na sya. She texted me kasi kanina na magkita daw kami for a lunch out, and since I am not that busy naman, I agreed.


"May iniisip lang"


She nods and then settled on her seat. May ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay.


"What?"


"Wala lang" she stated with a smile. "I just can't believe na nandito ka na ulit"


I smiled, ako din eh, di parin makapaniwala na nakayanan kong magtagal dito. Akala ko nga after naming magkita ni Fiero nung isang-gabi ay mag-aalsa balutan na ako at uuwi ng Japan, pero di pala.


"Sorry" sambit ko.


"It's okay, we know you had your own reasons why you left. And I won't be forcing you to tell me" she said with a smile. "Basta ba wag mo ng gawin ulit yun, kung aalis ka sabihan mo kami para masamahan ka na namin, di yung bigla-bigla ka na lang mawawala"


I laughed as I said another apology to her. She just shrugged it away atsaka kami nag order.


Looking at Yra right now, I realized how long I've been away. She was no longer the opposite spiker who loves to tease everyone, she's not the same Yra that I knew way back in college. She's more mature and elegant now as she sat across me. Ang kanyang itim na buhok ay nakatali, emphasizing her jaw and creamy white neck. She had a cute big expressive eyes, matangos ang ilong niya at katamtaman ang kapal ng mapupulang-labi. Nakakatuwang isipin na ang dating Yra na mapanukso ngayon ay isa ng successful flight attendant.


"Stop staring at me" she chuckled. "Nato-tomboy ka na ba sa akin?"


"Baliw, nagagandahan lang" I answered honestly making her blush. "Ang laki ng pinagbago mo, you're prettier and more regal now"


"Ikaw din naman eh"


Napuno ng kwentuhan at tawanan ang tanghali namin. Ilang sandali lang din ay dumating si Jessa at Kenshi para sabayan kaming kumain. Mas lalo tuloy umingay sa table namin. We catched-up, ang dami nilang tanong sa akin, and of course I would answer it.


Hanggang sa nagawi ang topic namin sa kanya-kanyang pag-ibig nila.


"So kailan mo ako ipapakilala sa Fiance mo?" Tanong ko kay Jessa.


"Kilala mo na sya"


I knew him? Teka, Kaunti lang ang mga kaibigan kong lalaki. Sino dun sa kanila?


"Ha? Sino?"


"Ah basta! Ipapakilala kita pag nakabalik na yun. Gusto kong makita ang reaksyon mo eh"


Oh-kay? Kinindatan niya ako kaya umiling na lang ako. Actually, pwede ko namang i-research or itanong kung sino ang fiance niya, pero tinatamad ako. Kung kakilala ko lang pala ang lalaki, I'm sure he's a nice guy.


"Itong si Kenshi ang tanungin mo about sa lovelife!" natatawang saad ni Yra habang tinutusok-tusok ang balikat ni Kenshi. "Alam mo bang artista ang jowa nito. Kapal ng mukha diba?"


"Hoy di ko pa yun jowa! tsk"


Kenshi hit Yra's arm kaya natawa ako. Di pa rin sila nagbabago, parati pa rin silang nagtutuksuhan. Nakaka-miss lang.


Chasing FireWhere stories live. Discover now