Four

11.8K 317 59
                                    

"Hoy jusko, ngumiti ka naman! Para kang umattend ng lamay, e."


Sinamaan ko ng tingin ang katabi ko dahil sa sinabi niya. If only no one's around to see us ay kanina ko pa siya binatukan. Nakakainis.


"Shut the hell up, Brix"


But he just rolled his eyes at me.


"Whatever" Malditang saad niya. "Don't be such a lola and enjoy your party! Pasasaan pa't hinanda nila to para sayo diba?"


Hindi na ako nagulat pa ng iniwan niya ako at pumunta sa kabilang mesa. Ngayon ay may kausap na siyang businessman.


Brix Nishiyazu is my gay friend. Yes, bakla ang gwapong hapon na iyon. He's half Japanese, half pinoy like me. I've met him when I was in Japan. I just happened to bump into him at nagulat ako ng tinarayan niya ako ng bonggang-bongga. So basically, it was hate at first sight. Sa di ko malamang dahilan, naging mag kaibigan kami. But mind you, ako lang yata ang nakakaalam na pusong babae ang baklang to. He act tough and manly when everyone's watching and then he'll be a bitch when no one's around. Pero mabait siya, maldita nga lang minsan.


"Hi Ms. Ayumi"


I forced a smile nang may lumapit sa akin na lalaki. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya. I remember him, he's a son of one of our investors. Di ko lang matandaan ang pangalan niya.


"Uh, hi"


Napansin niya yata ang reaksyon ko kaya natawa siya. Lumabas tuloy yung isang dimple niya sa kaliwang pisngi. That sight remind me of someone. hmm.


"I know you forgot my name so allow me to introduce my self again" He expanded his arms for a hand shake. "I'm Sebastian Fumego. Baste for short"


I handed him my hand for an introduction. Nag usap pa kami saglit bago ako muling linapitan ng ibang mga businessman na imbitado.


We were halfway through the party. My mood was foul since lunch dahil doon sa pag-uusap namin ng lecheng Fiero na yun. Ayoko nga sanang dumalo na eh, pero naalala ko na para sa akin nga pala ang party na to kaya I had no choice.


"Di naman kasi ako na inform na pugad pala ng gwapong investors ang kompanya mo" bulong ni Brix ng makabalik siya sa tabi ko. "Parang gusto ko na din tuloy mag invest"


May mga ngiti sa labi niya habang iginagaya ang tingin sa paligid. I sighed as I tried to shoo away the memories of my conversation with Fiero earlier.


"Bi, saan na yung gwapo mong ex" biglang saad niya sa kalagitnaan ng pagtitingin sa paligid. "Akala ko ba business partner niyo siya. Bakit wala siya dito?"


That's one thing that kept bothering me kanina pa. I haven't seen him yet. I know for sure that he was invited. Pero di ko pa sya nakikita. Ayaw ko namang mag tanong-tanong at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao.


"Ewan ko bi, baka busy kaya di nakadalo"


Brix eyed me with a menacing eyes kaya inirapan ko siya. Kanina niya pa ako tinutukso, at kanina ko pa din siya gustong hampasin.


It's already almost midnight and the party is almost done. Wala akong nakita kahit anino man lang ni Fiero. Guess he's serious when he told me he won't forgive me, ever. And I don't know what to do anymore. I respect his decision, kung ayaw niya akong patawarin, tatanggapin ko. Maybe it's not a great idea to meet him afterall. Maybe I should start sorting out the unnecessary feelings and baggages that I had from the past. Maybe I really should distant myself from him starting tomorrow, afterall, ayaw niya na din namang makasama ako. I should really take all the blame and move on. Hays. How I wish it would be so easy.


Chasing FireWhere stories live. Discover now