Twenty-two

10.7K 240 67
                                    



"You should join the team!"


Nakangiting lumapit ang team captain nila Kenshi sa akin pagkatapos ng laro namin. She tapped my shoulder kaya't nginitian ko din siya.


"She can't." Si Jessa ang sumagot para sa akin. "She's a busy woman, captain. May emperyo siyang inaasikaso"


"Sayang, you'll be a great asset for the team. Your blocks are awesome. Nagsinungaling ka siguro nung sinabi mong di ka na naglaro for five years. You still have that skills. Pro player ka no?"


"No," I laughed. "Totoo yung sinabi ko"


"Let's just say... she's a genius in this field." Keshi stated like she's proud mom. Napailing na lang ako.


Their coach actually offered me to join their club team din, as well as the other team, but I politely declined since my hands are quite full in handling my business.


"Sayang. Pero makikipaglaro ka pa din naman sa amin pag free time mo diba?" kita ko ang paghihinayang sa mukha ng kapitana nila. I smiled. The first time we met, I can clearly remember the annoyed expression on her face before we play. Nakakatuwa lang isipin na I gained another friend in her. "Gusto kong malusutan ang mga blocks mo nang hindi mo nahahawakan ang bola! Just so you see, Snow."


"Sige ba. I'll look forward to that"


Few more chitchats before we decided to conclude our practice game. Agad na naglakbay ang tingin ko sa gawi ni Fiero na ngayon ay seryosong nakatitig din sa akin. Napakunot ang noo ko't mabilis na lumapit sa kanya kahit pa narinig kong tinawag ako ni Kenshi.


"Hey," marahang tawag ko.


Bahagya pa siyang nabigla nang marinig ang boses ko kaya mas lalo akong nagtaka. He seems to be in deep thought. Akala ko nakatingin siya sa akin kanina, nakatulala pala. What's with this guy?


"You okay?" tanong ko dahil seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah? Care to share?"

"Nah," He shrugged, pero di nakawala sa paningin ko ang pag dantay ng takot sa mga mata niya. "You done?"


"Yeah..." Mariin pa rin ang titig ko. He must've noticed my staring dahil nginitian niya ako. He even pinched my cheeks to act like nothing's wrong. "Shower lang muna ako"


He nods. I don't know what's gotten into me dahil marahan ko siyang hinila sa braso para mapalapit ang mukha namin, I immediately kissed him in a beat kaya nagulat siya. Nang sumilay na ang matamis na ngiti niya, napangiti na din ako.


"There," I stated with a chuckle. "I like that smile better"


Iniwan ko siya doong bahagyang nakaawang ang mga labi. Nakita din pala nila Kenshi ang ginawa ko kaya't napuno ako ng tukso hanggang sa matapos kaming mag ayos ng sarili.


Naunang lumabas si Jessa. Nagkatinginan nalang kami ni Kenshi at umiling. Nga naman, naghihintay ang asawa.


"Dinner?"


"Pass" saad ni Kenshi pagkatapos mag suklay. "I have a date with Jiho."


"Naks! Baka kayo ang sunod na ikasal niyan ha."


Chasing FireWhere stories live. Discover now