Twelve

11.7K 288 55
                                    

"CHUAAAAAAAAA!"


His chinky eyes smiled. Lalo pa nang tumawa siya. He opened his arms widely to welcomed me kaya mabilis kong hinawi ang kamay ni Fiero na nakapalibot sa akin.


"Hi kapitana" he teased. "Long time no see"


My hug was tight, so was his. Natatawang bumitaw ako at parang batang pinaggigilan ang pisngi niya.


"Long time nga!" I giggled. "Musta ka na?"


Remember the guy who use to joke around about courting me way back in college? Yung palaging kaasaran ni Seth, pero naging kaibigan din namin at the end. It's him. Andre Skyde Chua. Yung isa pang baliw na nagpasa ng college life ko noon, though hindi ko siya schoolmate pero naging kaibigan ko na din dahil sa kalandian niya.


"Andwey!" Yra waved. "Musta Architect? Balita ko bigatin ka na ngayon, a?"


Nalibang ako sa kakatingin kay Yra at Chua na nag-uusap. Ngayon ko lang napansin, bagay pala silang dalawa. Hmm.


Sa kalagitnaan ng paninitig ko sa dalawa ay muli kong naramdaman ang mainit na haplos sa braso ko. Nang liningon ko kung sino ay ang nakasimangot na mukha ni Fiero ang tumambad sa akin.


"Bakit?" I asked.


Hindi siya sumagot, nanatili lang ang mga titig niya sa mga mata ko. He's standing behind me while his hands are on my shoulder. Ilang segundo niya akong tinitigan bago umiling at iniwas ang tingin. Napataas ako ng isang kilay dahil sa ginawa niya.


"Matutunaw ang mga ice cream"


Mukhang ngayon lang napansin ni Chua si Fiero dahil nanlaki ang mata niya nang makita siya. Mabilis din siyang lumapit ulit sa gawi namin at tinapik si Fiero sa balikat.


"Oy pare! Akala ko na sa Italy ka?" Bungad niya. "I've been trying to contact you last last month but your secretary told me you don't have any plans na umuwi dito."


Nanatili ang masungit na ekspresyon sa mukha ni Fiero habang nakatingin kay Chua. Hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin siya saglit sa akin.


"Ah," saad ni Chua na parang may naintindihan siya sa sinabi ni Fiero kahit hindi naman nagsalita ang lalaki sa tabi ko. "Kaya pala"


Dahil sa kadaldalan ni Yra at Chua ay medyo nagtagal pa kami. Buti nga ay nakaalis kami doon, gusto pa sana ulit nilang dalawa na isama kami sa loob ng mall, pero paulit-ulit na pinapaalala ni Fiero sa akin na matutunaw na daw ang Ice cream na binili namin kaya umalis na kami doon. Malapit na kami sa bahay ko nang naalala kong WALA NGA PALA AKONG BINILING ICE CREAM KANINA.


"You tricked me!" saad ko ng makababa. "Walang Ice cream sa mga binili ko kanina. Tsk"


Akala ko ay ngingisihan niya ako pero walang imik lang niyang kinuha ang mga bags sa compartment. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin, nauna na din siya papuntang pintuan kaya sumunod ako. Tahimik kaming pumasok sa bahay hanggang sa makarating kami sa kusina.


"Oh-kay?" basag ko sa katahimikan nang nailapag niya na sa kitchen counter ang mga pinamili ko. "You're creeping me out. What's with your mood, Azis?"


"Wala"


Pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Natigilan ako't napatitig nalang sa nakatalikod niyang katawan habang papalabas ng kusina. Natauhan lang ako ulit nang marinig ko siyang magpaalam. Mabilis ko siyang sinundan palabas pero di ko na naabutan.


Chasing FireWhere stories live. Discover now