Eight

12.7K 337 94
                                    

The feeling of kilig that I felt that day came crushing down on me the next morning. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumulak papuntang opisina.


Sinalubong ako ng iilang bating pang umaga ng mga empleyado ko at pati na rin ng aking sekretarya. Wala man sa mood, ay di ko pa rin nakaligtaang bumati pabalik. Nasa tamang ayos na ang mga papeles sa mesa ko, pati na din ang mainit na kape ay nakahanda na.


"Maya, I want you to get the schedule of the Evemania's auction. I want us to join the bidding"


She nods and jotted down what I said. I gave her her task for the day before I finally dismissed her. Muling nanaig ang katahimikan sa opisina ko kaya't napasandal ako sa upuan ko't pumikit. I really need this silence.


My solemn silence was interrupted when my phone rang. And without seeing who the caller is, alam ko na kung sino ito.


"What?"


A chuckled was heard on the other line making me roll my eyes in annoyance. That damn sexy chuckle brings bad news.


"Where are you?" He stated hoarsely.


"Nasa opisina ako, Azis" I put the call on speaker mode as I started doing my work. "Wag mo akong disturbuhin"


Then he chuckled again. Bakit ba parang ang saya-saya ng lalaking to ngayon?


"Nah, I had to attend meeting today so I had no time to disturb you."


"O, ba't ka pa tumawag?"


I heard some screech and other noises on the background kaya batid kong tumayo yata sya sa pagkakaupo niya.


"Check your social media notifications"


Tapos yun lang at binabaan niya ako. Di ko mawari kung anong topak ang meron ang lalaking yun. Ilang segundo ko pang tinitigan ang telepono ko, bago naisipang ipagpatuloy ang ginagawa.


It's been a week since the mall incident happened. And it's been seven fucking days since I started chasing him for his forgiveness. And I swear he's fucking enjoying every single minute of this set up.


Halos uma-umaga nalang ay binubulabog niya ako. Minsan ay may iuutos na nakakabanas na dahil kayang-kaya niya namang gawin. Chasing him today is very different from chasing him before. Noon kasi, I can do whatever it takes para lang mapa-oo siya, I can give him flowers, a whole garden if I wanted. Now's different. I can't just give him flowers, that would be inappropriate, I don't want people to misunderstand the situation.


I didn't mind what he said dahil sa tambak na trabahong naiwan. Tuloyan ko na sana itong makakalimutan pero pagdating ng hapon ay binulabog ako ng iilang tawag galing sa kaibigan ko.


"Ma'am?" Saad ni Maya ng makapasok sa opisina ko. "Nasa labas po si Sir Brix"


"Papasukin mo"


Unang bumungad sa akin ang nakataas na kilay ng kaibigang kong baklang hapon. Kumunot ang noo ko't natigil ang pagbabasa ng mg dukomento.


"Wazzup, marupok." Agad na bati niya sa akin.


"What the hell are you doing here? Akala ko ba busy kang mag impake?" hindi ko na pinansin ang pagbati niya. "Bilisan mo na nang makalayas ka na sa bahay ko"


Uuwi kasi siya ng Japan bukas, magi-isang buwan na siya dito kaya kinakailangan niyang i-check ang negosyo niya doon.


"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako?" Pinaliit niya lalo ang maliit niyang mata atsaka tinignan ako ng may pagbibintang. "Siguro may gusto kang patulugin sa bahay mo no? Hoy Delvega, sinasabi ko sayo, ang rupok rupok mo!"


Chasing FireWhere stories live. Discover now