Fourteen

12.7K 399 60
                                    

"Umayos ka nga!"


Niyugyug ko ang balikat niya para sana paalisin siya, but the brute just groaned and changes his position. Feel na feel niya ang kama ko!


"Kung gusto mong matulog, umuwi ka na! Mas malaki ang kama mo dun, kaya alis na!" Pinalo ko pa ang balikat niya pero di niya pa rin ako pinansin. "Atsaka mag damit ka nga! Ano ba ang tingin mo sa bahay ko? Strip club?!"


Kakauwi lang naming dalawa galing sa dinner namin at dito kami dumiretso sa bahay ko. Dadalhin pa nga sana niya ako sa bahay niya pero agad akong umayaw. At first I thought ihahatid niya lang ako, pero hindi pala. Dahil sa paglabas ko ng banyo after kong magbihis ay isang Fiero Alexis ang nakita kong nakadapa sa kama ko at wala nang pang itaas na saplot!


"Can I just stay for the night?"


"No"


But of course, he's not someone who'll listen immediately. Wala na akong nagawa nang hindi pa rin siya tumayo. He looks tired kanina pa kaya hinayaan ko na lang. He's so huge that he almost occupied my bed. Dumeretso ako sa harapan ng tukador at sinuklay ang buhok ko.


Staring at my mirror made me realize that I am smiling. Yung ngiting tila ba nabunutan ng tinik. I can see a faint glow on my eyes. Iba talaga ang epekto sa akin ng isang Fiero Alexis. Kahit na medyo pagod ako, di pa rin ako dinadalaw ng antok. I glanced at him just to see his even breathing, indicating that he fell asleep.


It's quarter past nine and he's fast asleep already, pagod nga yata siya. Sabagay, dahil hindi kami naka trabaho kaninang umaga ay naging tambak na din ang gagawin namin. He told me his schedules as he drove me home and I must say, he's twice as busy as me. Kaya nga nagulat ako nang makita ko siya sa opisina ko kanina.


Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. One thing that I do pag di ako makatulog ay ang mag tsaa. It helps me relax and at the same time, calm my being. Dumeretso agad ako sa hardin sa likuran ng bahay ko at umupo. The night wind is cold, pero sanay na ako sa lamig sa Japan kaya okay lang sa akin. Besides, I miss the chilly weather there.


Summer na dito sa Pinas kaya mas lalong uminit ang panahon. I'm glad that despite the scorching heat in the morning ay malamig pa rin ang gabi. That reminds me sa photoshoot na gagawin ko bukas. It's for my friend's summer collection, that means, I would be wearing a little less than usual. Though I'm use to it already, ewan ko ba, kinakabahan ako. Siguro kasi first project ko to dito sa Pinas? Maybe.


Umihip ulit ang pang gabing hangin. My hair danced with the wind kaya kinailangan ko pa itong ayusin ulit. I noticed the faint light from the trees kaya iginala ko ang tingin sa kabuuan ng hardin ko. A smile plastered on my lips as I realized that it was indeed fireflies. I made sure that this garden was proprly groomed lalo pa't nakasanayan ko ng pumunta dito sa tuwing hindi ako dinadalaw ng antok. May mga puno sa magkabilang dulo ng harden, my garden somewhat looked like a little forest because of the trees and bushes. Flowers were also planted, and of course, my giant sunflowers are also there. It occupies almost the whole of my backyard kaya nag mistulang nasa kakahuyan ka pag pumunta ka dito sa likuran ng bahay ko.


Sa sunod na pag ihip ng hangin ay muling nagsisayawan ang mga takas na buhok ko, ramdam ko na din ang kunting lamig, but this time, a soft cottony material was felt on my shoulder. Lumingon ako just to see a sleepy Fiero Alexis behind me. Inayos niya ang pagkakalagay ng manipis na kumot sa balikat ko bago inukupa ang espasyo sa tabi ko. I saw how he yawn before he set his eyes on me. He really looked tired.


"Why aren't you sleeping yet?" He stated in a hoarse voice.


"Di pa ako dinalaw ng antok, e"


Chasing FireWhere stories live. Discover now