Sixteen: Safehaven

Start from the beginning
                                    

Medyo malayo pa man ay naaaninag ko na ang bulto ng isang babae at sa tingin ko ay sya nga ito. Yakap yakap nya ang saklay na itinapon ko kanina habang naglalakad sa gitna ng kalsada ng naka paa.

"Manong! Teka! Teka lang!"

Tawag ko sa driver para huminto sya.

Huminto rin si Rosa sa pag lalakad. Alam kong nasisilaw sya dahil sa ilaw ng tricycle.

"Rosa?"

Tawag ko sa kanya at nagkumahog na lumabas ng tricycle gamit ang saklay ko at mabilis na lumapit sakanya.

"Lorraine"

Rinig kong tawag nya sa pangalan ko. She's crying. At 3am, she's walking around with bare feet, crying. I dunno what happened but I am so sure that something terrible has happened.

Niyakap ko sya ng mahigpit pagkatapos ay umiyak sya ng umiyak sa akin.

"Muntik na nya akong gahasain Raine! Ayoko! Ayoko nang maulit ulit! Ayoko na! Natatakot ako please alisin mo ako dito Raine"

Pinilit nyang masabi ang lahat ng ito sa pagitan ng pag hikbi at iyak. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at pagkatapos ay inakay sya sa tricycle.

"I will take you with me okay?"

Bulong ko sa tenga nya habang nakahilig ang ulo nya sa balikat ko at nakaakbay ang kanang kamay ko sakanya. I dunno who did it but I feel outrageous para sa taong iyon. I am not gonna ask her for now, but I have a hunch kung sino ito.

Mas hinigpitan nya ang yakap nya sa bewang ko dahil nararamdaman kong natatakot sya. Her breath is shaking. Pag dating sa ospital ay tulog parin si Nanay Liza.

"Dito ka muna ha, mag bibihis lang ako ha? Tumakas lang kasi ako kanina."

Naabutan nya ang higaan ko at nakalaylay na karayom ng dextrose.Pumasok ako sa CR at sinuot ulit ang hospital gown ko.

"Tu-tumakas ka dahil sakin?"

Bulong nya nang salubungin nya ako pag labas ko ng CR ng kwarto.

"Oo. Gusto kasi kitang kausapin hindi ako mapalagay."

Sagot ko naman. Nakatayo sya sa pinto ng CR. sa kaliwa ng CR ay ang pinaka pinto ng kwarto. Kapag dumiretso ka ay saka mo lang makikita ang kama at ang sofa.

"Bakit?"

Tanong nya.

"Alam mo bang miss na miss kita."

Bulong nya pa sa akin.

"Ako rin, Rosa. Kaya nga nung gabing pabalik ako dito, ay bumyahe ako kahit nakainom ako dahil I wanted to see you so badly. Pero nung nagising ako, nasa ospital ako. Dalawang linggong walang malay at masakit ang katawan."

Malungkot na litanya ko sakanya.

"Mahal mo ba ako, Lorraine?"

Napatingala ako bigla sa itinanong nya. Nanlalaki ang mga mata ko. Naglakad sya papalapit sa akin. Napaatras ako pabalik sa loob ng CR. Hindi ako makasagot.
Isinara nya ang pinto ng CR pero nananatiling nakapatay ang ilaw.

"Mahal mo ba ako, Raine?"

Hindi parin ako sumasagot. Nababalutan ng dilim ang buong kwarto. Sobrang dilim na parang nakikita ko kung paanong tumibok ng malakas at mabagal ang puso ko. Napasandal ako sa gilid ng pinto. Sa pader. Ramdam ko ang paghinga nya.

"Lorraine Alcavar, mahal mo ba ako?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Oo, Rosa Santillan. Mahal kita. Mahal na mahal na kita."

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Where stories live. Discover now