NOL - CHAPTER 39

Začať od začiatku
                                    

"Don't worry, Ate La, di ka mahuhuli sa balita" nangingiti kong sabi. "Pero ano bang alam mo sa mga Montemayor? Gosh. Wala akong alam sa pamilyang yon"

"All I know is that they are really rich and they live in Hilario"

Napatango ako. Of course they are rich. They must be soooo rich para pumayag ang daddy sa fix marriage.

"Should I go to Hilario?"

She burst into laughter. "Why would you do that?"

"To find him" seryoso kong sagot.

"Ri, trust the timing. He told you to wait right? Then wait" she said. "I know you miss him pero relax ka lang, Ri" sabi niya at naconvinced naman niya ako.

Tama. Sinabi niyang hahanapin niya ako kaya dapat maniwala na lang ako don. Besides, Arkin always find me. Kung pano? Hindi ko alam. Basta aantayin ko siya.

"Ate La?"

"Yes?"

"Andyan si Ate Madel?"

"Oo. You want to talk to her?"

"Yes. Please" sabi ko at narinig kong tinawag ni Ate Lala si Ate Madel.

"Lareen!" excited na bungad niya. "Kamusta ka dyan? Kumakain ka ng maayos?"

I laugh. "Don't worry about me. Marami masyadong kasambahay dito para alagaan ako. I want to ask favor, Ate"

Sa pagkakasabi ko non ay alam kong alam na niya ang susunod kong sasabihin. Narinig kong nagpaalam siya kay Ate Lala na lalabas na muna.

"O, ano ba yon?"

"Pwede mo bang bisitahin ang Barangkal? I-check kung kamusta sila doon?"

"Pwede naman kaso baka sa susunod na araw pa at lalabas sila Mam Lala bukas kasama si Senyora" sagot niya.

"Okay lang, Ate. Basta malaman natin kung anong lagay nila doon at si Pia"

"Si Arkin ba hindi ko kakamustahin?"

Natigilan ako at napalunok. "Ah e. Kung andon siya, pwede na rin" nauutal kong sagot sa kanya.

"Ayeee. Ito talaga nahiya pa. Oo bibisita ako don. Papayagan naman siguro ako nito nila Mam Lala" sabi niya at nagpaalam na kami sa isa't isa. 

"Oo papayag yan. Mabait naman yan si Ate at Mommy. They will understand"

Pagkatapos kong maibaba ang telepono ay medyo pinikit ko ang mga mata ko at walang ibang tao ang nakikita ko. Si Arkin. Kasabay ng pagalala ko sa mukha niyang minsan may grasa, pawis, naiinis, nagpapacute at seryoso at ang pagalala ko sa mga masasayang araw na kasama ko siya.

"Kung hindi ba ko tumalon sa bintana non, masaya kaya kami ngayon?" tanong ko sa sarili ko. "Magugustuhan mo din kaya ako bago pa tayo magkakilala sa Barangkal?"

Andami dami ko ng tanong na gustong itanong kay Arkin. Kailangan ko ng sagot para manahimik lahat ng doubts sa puso ko. Pero ang sabi niya, hahanapin niya ako. Palagi niya akong hahanapin at mula sa Barangkal hanggang dito sa Milagros ay pinanghahawakan ko pa din ang mga salitang iyon.

This time, wala ng sukuan. Ang sabi niya maguusap kami at magpapaliwanag siya. Kung bakit siya nagmamadali noong gabing yon? Hindi ko alam pero hindi yon rason para hindi ako maniwala sakanya. Kahit naman saglit na panahon pa lang kaming magkakilala ay pinakita niya kung gaano siya kabuting tao. He deserves to be trusted. I will wait for you, Arkin. Please find me soon.

ARKIN

Hindi sumabay sa dinner si Karlos kagabi kaya hindi ko siya nabugbog sa pambababoy na ginawa niya sa kotse ko. Sabi ng isa naming manang ay late na daw umuwi kagabi at parang lasing pa. Anong nangyari kaya don?

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now