"Hey, I thought sa akin 'yan," busangot kong sabi.


"Close tayo? Aso ba kita?" nagtaas siya ng isang kilay.


I rolled my eyes at him. "Okay then. Umalis ka sa harap ko. I'm busy." Muli akong nagtype ng kung ano sa laptop ko pero sa totoo lang, walang sense 'yong tina-type ko.


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at agad na nagsorry. Natatawa ako sa itsura niya pero nanatili kong naka-poker face.


"Joke nga lang e. Binili ko talaga 'to para sa'yo. Wag ka nang magalit, please," sincere na sabi niya. Ang dami pang lumabas na salita sa bibig niya pero hindi ko siya magawang pansinin dahil medyo nakaka-focus na ako sa ginagawa. "I'm sor–"


"I'll eat that later. I'm busy pa eh. Mamaya mo na ako landiin, please."


Natigilan siya. Kaya natigilan din ako. I closed my eyes so tight when I realized what I just said.


Jaide, why so bobo?!


"I mean, guluhin... or inisin... or kausapin... Whatever."


Ngumuso siya para magpigil ng ngiti saka tumango. Humalukipkip pa siya at tumingin sa labas ng coffee shop.


Yumuko na lang ako at halos isubsob na ang mukha sa mga librong binabasa. Siya naman ay nagsimula nang kumain at uminom sa frappe niya. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at pagta-type sa laptop ko.


Maya-maya pa, nagulat ako nang itapat niya sa bibig ko ang tinidor na may cake. I raised a brow at him.


"Kumain ka. I'm here in front of you for almost an hour, yet you didn't even touch your food."


I nodded. Kukunin ko na sana sa kamay niya ang tinidor pero iniiwas niya iyon bago siya ulit ang nagtapat sa bibig ko. I glared at him but he just smiled.


"Just continue with that. Susubuan na lang kita," he smirked.


At 'yon nga ang nangyari. I did my work while he is feeding me. Mukhang nag-eenjoy pa siya. Hindi ko na lang masyadong inisip dahil occupied pa rin ng thesis ang isip ko.


Halos dalawang oras na kaming nasa loob ng café. Pinag-order ko pa ulit siya ng fries and drinks incase na naiinip na siya.


"Ah, my head hurts. Ang hirap naman nito," reklamo ko at minasahe pa bahagya ang sentido.


Tiningnan niya ako at kumunot pa ang noo. "How may I help? Marami pa ba 'yan?"


Oo kaya umalis ka rito. Di ako maka-focus kasi ang gwapo mo, gago.


"Medyo. Inuna kong tapusin 'yong Methodology at RaD, kaya RRL na lang halos ang kulang," nahihiyang paliwanag ko sa kaniya. "You don't need to help. Magkautang na loob pa ako sa'yo."


Malakas siyang natawa sa sinabi ko. "I insist. I'll help you with the RRL."


"No, baka mahirapan ka pa."


Mas lalo pa siyang natawa at napahawak pa sa tiyan para kalmahin ang sarili. "Jaide Alastair, baka nakakalimutan mong sa Sci High ako nag-aaral. I've been doing research since I'm in the seventh grade," mayabang niyang sabi. "So let me help you with that."


Aangal pa dapat ako pero kinuha na niya ang laptop na nasa harap ko. I silently watched him as he read through my research paper.


"Wala ka bang pasok? It's Wednesday," I curiously asked.


"Half day. Exam week namin," simpleng sagot niya bago muling nagtipa sa laptop ko.


Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Why the hell would he be here, then? He should be reviewing and not flirt nor do my research paper!


"Stop that," I ordered him. Hindi ko alam kung hindi ba niya ako narinig o sadyang iniignora lang niya ang sinabi ko. "I said stop doing my paper."


Nang hindi niya ako pinansin, tumayo ako at ibinaba ko ang screen ng laptop. I don't care kung hindi na-save ang mga ginawa niya, pwede pa naman siguro 'yong irecover. That's when he looked at me. I was so sure that he can see the anger in my eyes.


"Go home and review," inis kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kahit pa tinulungan niya ako sa paper ko. Ayoko lang naman na maging dahilan ng pagbagsak niya sa exams niya. "Thank you for the help. I really appreciate it. Pero you need to review."


He deeply sighed and then nodded. Naglabas siya ng mga papel, makapal 'yon. Reviewer niya 'yon? Ang dami naman. Nagsimula na siyang magbasa pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. He felt my stares so looked at me.


"Mamaya na ako uuwi. Ituloy mo na 'yang paper mo. Magrereview ako rito."


It's nearing six in the evening when we both decided to go home. Atleast, I was assured that he did review, diba?


Inihatid pa niya ako hanggang sa car namin. I waved him goodbye and thanked him for his help.


"See you sa DSPC next next week," nakangiting sabi ni Cali sa'kin.


"Okay. See you."


Tumalikod na ako sa kaniya at sumakay sa kotse. Umambang aalis na kami pagkasarado ko ng pinto.


"Kuya, sandali lang," paalam ko sa driver bago ibinaba ang bintana ng kotse.


Nagulat pa si Cali sa ginawa ko kaya natawa ako sa reaction niya. But he smiled at me, 'yong kita ang dimple.


Mama, Papa, ang gwapo ng magiging son-in-law niyo!


"Goodluck sa exams, Caius Limuel! I know you'll ace those tests!"


Lalong lumaki ang ngiti niya at kita ko ang saya sa mata niya.


"Thank you, Jaide," he gently said.


"Goodnight," tanging sabi ko bago kami tumulak pauwi.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now