"Sa isang linggo. Malapit lang naman dito yung samin e"

"O sige, magpapaalam lang ako sa mom- este samin para makapunta ako sa inyo" sagot ko at tumayo na kami.

ARKIN

Umagang umaga ay pinuntahan ko si Andoy sa bahay nila para ibalita yung magandang balita ni Tep at para yayain na din siyang mamasyal na muna. Masyado na kong nabobored sa bahay at nasasakal sa presensya ni Kassandra.

"Nakakatuwa namang balita yan, Boss. Nakikinita kinita ko yung mga itsura nila pag nalaman nilang kanila na yung lupa"

"Sana makadalaw tayo don. Nakakamiss din yung lugar na yon kahit hindi na tumahimik don. Nag-aaway pa din kaya si Chona at Ryan?" sabi ko sabay higop sa kapeng tinimpla ni Nay Gina.

"Kamusta kaya si Pia? Nakakapaglaro pa kaya yun?" dagdag ko pa at inaalala yung mga time na naabutan ko siyang naglalaro sa may hallway.

"Namimis mo na si Reena, boss?" Andoy cocks his head. "May nabanggit ba akong, Reena?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala. Pero don din naman yun pupunta" sabi niya at kinuha ang isang mug ng kape na nasa mesita at ininom yon. "Miss ko na si Reena. Ang gaan ng presensya non e. Mabait pa" sabi niya at parang nagdadaydreaming.

Binato ko siya ng throw pillow na naabot ko mula sa kahoy nilang sofa. Huli na bago siya nakasalag. "Seloso ka, boss. Ang pogi pogi mo e masyado kang threatened" sabi pa niya.

"Sira ulo" matipid kong sagot. Hindi ko siya mamura dahil nasa loob kami ng bahay nila at nasa malapit kami sa altar nila. "Pagnauna kong nakita si Reena, boss, sorry na lang" nangaasar na sabi niya.

Tumawa ako ng malakas. "Asa ka, unggoy" sabi ko at nanlaki ang mata niya. Basang basa na talaga ako ng mokong na 'to e. "Nagkita na kayo?"gulat niyang tanong.

Dumikwatro ako at mayabang na tumango.

"Pumunta ka ng Maynila? Kelan?"

"Doy, ibang maglaro ang tadhana. Pagnakita ko ulit si Reena, sasabihan kita" sabi ko at tinungga ang huling laman ng kape. "Tara na" sabi ko at umaktong aalis na.

"Boss!! saan kayo nagkita?"

Hindi ko siya pinansin.

"Boss, nagpunta ka ng Maynila?" tanong pa niya.

Hindi ako sumagot.

"Dumalaw siya dito? Boss naman!!" sunod-sunod ang tanong niya.

Natatawa na lang ako kay Andoy.

"Boss!!" habol pa niya hanggang sa labas. Hindi ko siya pinansin at dumirecho na ko sa garahe. Nanlisik ang mata ko ng makita ko ang sasakyan kong mas mahal ko kesa sa kanya. Bakit sobrang putik nito?

"Hayop talaga tong si Karlos e. Mamaya to sakin" napapailing na lang ako. "Boss, ano na?" tanong niya nung maabutan niya ako. Hinagis ko sa kanya ang susi ng rover at nasalo naman niya.

"Punta tayo sa may lambingan falls. Ikaw magdrive" sabi ko at dumirecho na sa Rover. Hayop ka Karlos, magtutuos din tayo.

Pagkasakay namin sa sasakyan ni Andoy ay pinaandar na din niya ang ito. Akala ko nga haharangin kami ng mga bantay sa may gate pero hindi. Hinayaan lang nila kami pero napansin kong may sumusunod sa amin.

"Lupit talaga ni Mam Kassandra" habang sinisilip ni Andoy ang isang sasakyang nakasunod sa amin sa rearview mirror. "Hayaan mo siya. Mapagod siya kakasunod" sabi ko naman at nakatingin din sa side mirror ng sasakyan. "Nakabalik ka na, bakit ka pa sinusundan?"

Nilingon ko si Andoy. Wala siyang alam. Para akong nakokonsensya na hindi magtapat sa kanya kung ano nga ba ang dahilan ng pagkapraning ni Ate.

"Doy" sabi ko habang nakatingin pa din sa labas ng bintana.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now