University of Batangas

7.6K 96 3
                                    

Marami talaga katatakutan na kwento sa school namin dahil na din siguro na katabi nito eh public cemetery. 1st yr. HS pa lang ako nang malaman ko tong kwento na to, initiation na ata to sa halos lahat ng pumasok sa UB dahil halos lahat kami alam ung story nung batch namin. Anyway this happen bago pa man ako pumasok sa school na to. Sa school namin meron na night shift ang HS students, 9PM sila lumalabas. Dahil na din siguro kaya nangyari to, Ni-rape daw ng isang guard ung isang student na babae sa gym, matapos daw ma-rape eh pinatay, para maitago ung katawan ng babae, mula sa gym dinala nung guard ung katawan sa 5th flr. ng HS building at dun itinago ang katawan. Walang nakaalam. Hanggang sa mangamoy na lang yung bangkay at tsaka pa nadiskubre.

Take Note: Kung itatanong mo to sa mga old (and new na din) professor ng school lahat sila tatanggi na may nangyari na ganito dati. Pero ni confirm sa amin ng ate ng kabarkada ko na nangyari nga to dahil batch nila yun. Tinatago lang siguro ng school.

(Story 2)

Whole day kami nun. 4th yr. HS na ako. Nung 4th yr. kame sa 3rd floor ung room namin hindi ko tanda ung exact room, wala masyado nagkklase nun sa floor na yun kasi puro computer lab ang rooms dun at science high lang ang gumagamit, tahimik din lagi nun sa floor na yun. Nasa pahuling subject na ata namin yun (TLE) nung nangyari to. Nagdi discuss ung teacher namin, kame naman tahimik lang, nakasara ung dalwang pinto ng room kasi naka air conditioned ung room. Maya maya lang biglang nagbukas ung pinto sa unahan ng room, hindi namin pinansin, sinarhan na lang at tuloy sa pag discuss si mam, pero after just a few minutes, ung likod naman na pinto ung bumukas nun, ganun ulet, di namin pinansin, hanggang sa nung isara nung classmate ko yung pinto, bumukas ulet ung unahan. Sabi ni mam "siya may nakikipaglaro, mamaya na, at nagkaklase kame" we take that as a joke at tumawa lang, pero talagang alternately nagbubukas ung pinto at bawat pagsarado namin bumibigat ung pinto. Sabi ni mam hayaan na daw at baka daw gusto lang makisali sa discussion. Hanggang ngayon di ko alam kung biro lang yun o seryoso. Pero medyo creepy.


(Story 3)

Last day para ma practice namin ang bench cheering namin para sa Alay Lakad, inabot na kami ng mga 6.00 to 6.30PM nun, sa gym kame nagppractice at nasa dulong bleacher kame sa may tabi ng stage. Nag break lang kame sandali nun, tapos ung ibang kklase ko na lalake nag cr, no choice, dun sila nag cr sa may bandang likod ng stage, medyo hindi yun na mi-maintain. Kwento ng ka-klase ko habang na sa loob daw sila bigla na lang daw may pumasok na batang babae, tapos nawala. That creeps the other girls na nakarinig nung nikwento nila to sa amin, dahilan para umiyak.

Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now