Cento Escular University

4.1K 47 7
                                    

Ang story po na ito ay naikwento lang sakin ng mama ko. May project daw sila na pinapagawa ng teacher nila. Then parang bumagsak daw sa lahat ang mama ko. Kaya ang tendency may sarili siyang project para pumasa. Ang pinaproject ng teacher ay totoong panga ng taong patay. Nung kinagabihan non, pumunta yung mama ko sa sementeryo kasama yung care taker nung cementery. Binibigyan siya ng ibat ibang klase ng panga. Ang ibibigay kase ay yung panga ng patay na hindi makilala ang kung kaninong buto iyon. Nasa tapat na sila ng bahay pero ayaw talaga bumukas ng pinto ng kotse. Nagulat yung mama ko at humingi ng tulong sa iba. Pagkapasok niya sa bahay kumuha siya ng tubig at pinakuluan yung panga ng tao na kinuha nila sa sementeryo. Umalis si mama para magpalit at pag balik niya... Laking gulat niya na yung pinaglalagyan ng panga ay nakatapon sa basurahan. Nagtanong tanong siya pero wala naman daw pumunta sa kusina para itapon yon.


Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon