Imus National High School

5.1K 94 8
                                    

Kamusta, pwede pa po ba ako mag bahagi ng istorya tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa Eskwelahan namin ?

Itago niyo na lamang ako sa pangalang Jane, sa INHS ako nag aaral kung saan maraming kababalaghan ang nangyayari, mga nananatiling tago at pilit isinisikreto ng nakararami.Science camping namin iyon, may mga gurong rumoronda upang mag saway ng mga estudyanteng pagala-gala, base sa kwento sa akin ng aking guro bigla raw nilang nakasalubong ang isa sa pinakamatandang guro sa INHS. Tinawag ito ng aking guro at sinabing "Ma'am ano hong ginagawa niyo dyan ? May pupuntahan ho ba kayo ?", hindi nag salita ang matandang guro ngunit itinuro lamang nito ang dadaanang lugar. Tumango na lamang ang aking guro at umalis na sila ng mga kasama niya.Habang rumoronda sila ay umakyat sila sa Maliksi Building at nakita roon ang matandang guro, nagulat ang aking guro at ang mga kasama niya, "Ma'am ang bilis niyo namang nakaakyat, kanina lang nasa baba kayo ah ?" Sabi ng aking guro, tumaas ang kilay ng matandang guro at sinabing "Ha ? Anong sinasabi niyo diyan ? Kanina pa ako dito sa taas di pa ako bumababa." Paliwanag ng matandang guro.Pag tapos ng pangyayaring iyon ay pinasunog sa matandang guro ang huling suot nito.Science camping rin ng mangyari ito, tuwang tuwa kaming rumoronda kasama ang guro namin na itago nalang natin sa pangalang Mr. Cruz, sa kalagitnaan ng kantyawan namin at tawanan may napansin kaming isang kwarto o silid aralan na nakabukas ang ilaw, may napansin rin kaming mga estudyante sa loob ng silid, nakapabilog sila at tila ba nag dadasal. "Pano sila nakapasok dun ? Asaakin ang susi ah !" Tanong ni Mr.Cruz, lumapit kami sa silid na iyon ngunit biglang nawala ang ilaw na kanina lang ay tanaw na tanaw namin, nawala rin ang dasal na hindi namin maintindihan.Ssg Leadership Training ito,Malapit na mag tapos ang pasukan namin noon ngunit naisingit pa rin ang Camping na ito.Sa payapang paligid hindi namin inasahan na may mangyayaring kababalaghan. Mga bagay na hindi namin maipaliwanag.Grupo kaming mga babae ang nag tungo sa shower room na bagong tayo lamang. Kating kati na kami sa katawan namin noon, di gaanong mahaba ang pila. Nang paonti na ng paonti ang mga tao ay rumekta kami ng ligo sa shower room, walang harang kada shower kaya kung nakahubad ka ay makikita nila ang kabuuan ng katawan mo, tatlo kaming nasa loob ng shower room, anim na shower sa mag kabilang banda ang meron. Sa kalagitnaan ng aming pag ligo bigla na lamang pumitik-pitik ang ilaw, noong una ay hindi na lamang namin pinansin kahit pa medyo nag tataka kami.Isa, dalawa, tatlo, tatlong pilantik ng ilaw ang nasaksihan namin bago bumukas ang shower sa dulo,"Bullshit ! Wala namang lokohan guys !" Reklamo ng isa kong kaibigan. Tumigil ako sa pag pahid ko ng Shampoo sa ulo ko,"Lokohan ? G*go tatlo lang tayo dito, mag kakatabi pa tayo !" Aminado ako na nung mga oras na iyon ay kabado na ako sa nangyayari, hindi doon natapos ang lahat, biglang may boses kaming narinig, malalim, nakakatakot, at nakakapanayong balahibo ang boses na iyon. Saka lang namin naalala na sa tabi nga pala ng shower room ay ang matandang puno na hindi nila maputol-putol. May maligno raw na nakatira rito at kung sino man ang nag tatangkang pumutol ng puno ay bigla na lamang dinadapuan ng sakit.

Base ito sa istorya ng pinsan ko, pang umaga ang oras ng kanilang pasok, pag patak ng alas cinco pumapasok na ang pinsan ko na itago nalang natin sa pangalang Ann.

Sa Remulla Building ang silid nila noon, isa sa pinaka lumang gusali na naitayo sa INHS. Sa pag pasok niya ay may mga ilan ilan na rin siyang kaklase doon.Nagulat sila sa malakas na kalampag galing sa pangalawang baitang ng gusali, tila ba hinahampas sa sahig ang mga upuan at may gulong nangyayari."Sino ba yung mga nasa taas ?! Grabe naman sila mag ayos ng upuan." Umirap ito, pagsasabihan niya sana ang mga estudyante sa taas, lumabas ito ng room at tinignan kung may tao ba sa taas, laking gulat niya ang ng mga kaklase niya ng mapagtanto nilang walang tao ro'n at nakapatay pa ang ilaw. Umakyat sila kahit pa kinikilabutan na sila, nangunguna sa kanila ang lalaki nilang kaklase. Tumigil sila sa pag lalakad at sabay na kumaripas ng takbo pababa, sino ba naman ang hindi mapapa-takbo kung makakakita kayo ng babaeng nakangiti ng maluwang, nakaputing bestida at isang dangkal ang layo ng paa sa simento.

***

Sa banyo ng Maliksi Building (Pangbabae)Camping rin noon, ilang estudyante na lamang ang nasa labas dahil walang rumoronda hinayaan muna nila kami dahil ito na ang gabi bago ang huling gabi ng nasabing Camping.May isang estudyante ang nag tungo sa banyo upang magpalit ng kanyang 'tampon', sa pag pasok niya ay hindi niya inaasahang siya lamang ang magiging laman ng banyo, siya nga lang ba ?Sa pinaka dulo siya pumasok, dahil naroon ang 'ventilator' at ang sabon. Maya-maya ay nakarinig siya ng pag buhos ng tubig sa inidoro, sira ang mga flush kung kaya tabo lamang ang ginagamit namin upang mabuhusan ang mga ihi roon.Nagtaka ang babae, hindi niya narinig na bumukas ang isa sa mga 'cubicle' na naroon, wala rin siyang narinig na tunog ng tsinelas o sapatos.Nag madali siyang maghugas ng kanyang kamay ngunit tila tumigil ang tibok ng puso niya ng mga panahong iyon.Anino ang kanyang nakikita, at maruming puting tela ang nasa labas ng pinto, hindi niya malaman kung lalabas siya o mag dadasal, tatawag ba siya ng tulong o mananatili na lamang tahimik ? Sa huli napagpasyahan niyang mag dasal na lamang."Aba ginoong maria .." Huminto siya sa pag dadasal ng maramdaman niya ang kapayapaan, iminulat niya ang mata niya at pinagsisihan iyon sa huli. Pag mulat ng mata niya ay nakita niya ang babaeng kanina ay nasa labas lamang ng pinto, nakakatakot ang tingin nito at bigla na lamang nag dasal, "Napupuno ka ng grasya. Aba ginoong Maria ! Aba ginoong Maria !"Kinabukasan ng mag pauwi ng estudyante ang mga guro dahil sa mga estudyanteng nag kakasakit ay sumama siya sa mga umalis, kahit na hindi pa tapos ang Camping.

***

Pag pasensiyahan niyo po kung masyadong marami ang naibahagi kong kwento, pero umaasa po ako na maisama ito sa mga kwentong nailalabas niyo sa libro.Ang mga ibinahagi ko po ay base sa tunay na buhay, kung mapagbibigyan niyo po sana akong ibahagi ito sa iba ay labis ko pong ikatutuwa.

Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now