Camarines Sur National High School

3.1K 48 7
                                    


Yung tita ng classmate ko eh dating pumapasok sa school namin, tapos may naikwento yun sa classmate ko. Noong daw times nila eh may mass around 5-6pm (im not sure basta banda takip silim na). May isang student daw na nagsusulat sa blackboard, sabi raw para daw yun sa lesson nila bukas. Take note, mag isa lang siya sa classroom nun. Then may madre daw na dumaan at nag stop sa hallway tapat ng pinto ng classroom (yung pinto bale ay nasa gilid ng blackboard ). Sa pag aakalang galing yun sa mass na katatapos pa lang eh agad siyang lumapit para mag bless dahil nga sa magalang nitong ugali. Habang papalapit siya eh napansin niyang nahulog ang panyo na dala ng madre, agad niya ying pinulot. Pagkahawak niya sa panyo ay napansin niyang nakalutang yung paa nung madre from the floor. Kinilabutan siya at dahan dahang inangat ang ulo niya para tignan ang madre, laking pagkagulat at kilabot na naramdam ng makita ang itsura ng madre. Nakita niya ang umiikot na mga mata nito at nakapandasal na kamay sakanya at higit sa lahat ay nagdadasal ito ng "Holy Mary Mother Of God" ng paulit ulit. Ganoon niya lang napansin na hindi ito galing sa mass kanina. Dahil sa suot nito na tila galing pang 18's era na may tila hugis triangle na headpieace para sa mga madre at naka itim pa ito na hindi karaniwan sa modernong madre. May narinig na malakas na sigaw yung bodyguard sa isa sa mga classroom sa school namin. Pinuntahan niya kung saan galing yung sigaw at laking gulat niya ng mamataan ang tulala, namumutla at nakakangangang itsura nito na tila naging yelo sa kina sasandalan. Sabi raw namatay daw yun, yung iba naman sabi eh nabaliw. Walang tiyak na nakakaalam about sa nangyari sa estudyante. Wala lang kinilabutan lang ako nung ikiniwento yun saamin

Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now