:St.Paul College, San Rafael

3.4K 48 3
                                    

Si Aly kasi yung kaibigan kong may third eye, then one time, nagcecelebrate kami ng birthday ni Mama Mary umakyat kami sa third floor kung nasaan yung classroom ng St.Lucy, may pinapakuha kasi yung teacher namin. Tapos, si Aly biglang hinawakan yung kamay ko, sabi niya sakin "Wag. Mamaya nalang natin kunin yung folder." Nagtaka naman ako. Pero sinunod ko siya, bumaba ulit kami then nanuod ng culminating activity. Nung lunch time, sabi ko kay Aly na kuhanin na namin yung folder, umakyat ulit kami sa third floor. Yung pintuan kasi nung mga classroom may mga transparent na bintana, napasulyap ako dun sa ilalim ng altar, nakakita ako ng babae ng maikli yung buhok, hindi ko nakita yung face niya. Nakatalikod siya at nakatingala. Nung lumingon ako kay Aly, nakatingin din siya dun sa babae, tumingin ulit ako at wala na yung babae. Binuksan ko yung pinto, at pumunta sa teacher's table. "Tara na! Dalian mo!" Sabi ni Aly saakin. Napasulyap naman ako sa ilalim ng teachers table, nakita ko yung babae sa ilalim ng table, naiwan ko yung folder then tumakbo na ako.


Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon