Christ The Lord Institute(Lucena City)

4.2K 67 5
                                    

Wag nyo na lang po ilalagay yung username ko. Thank you poLumaban po kami sa isang Short Film competition District and Division. Nung time po na yun natulog kami sa school for 3 days. Nung first day po namin. Kami na lang ang gising ng kaklase ko na siyang nag e-edit ng film na e-entry namin. Exact 3 am po nag paalam ako na mag c-cr. Nung nakapasok na po ako sa banyo may parang tumutulo pong tubig sa ulo ko pero hindi ko po pinansin kasi akala ko po insecto lang kaya di-diretso po ako sa cubicle pero pagka lock ko po may sumigaw sa tenga mahina siya nung una kaya akala ko po nabibingi lang ako pero habang tumatagal po palakas siya ng palakas. Kinilabutan po ako kaya tumakbo po ako paalis kahit hindi pa ko nakaka-ihi. Hindi ko po ma-identify kung lalaki o babae, bata o matanda yung boses kasi sobrang daming boses po yung narinig ko pero naramdaman ko po na galit siya or sila kasi pagpunta ko po sa may classroom kung saan nan dun yung editor namin tinanong nya ko kung bakit may sugat ako sa tengaNung second day naman po namin nagising ako kasi pakiramdam ko po may nakatingin samin ng katabi ko pero wala naman po nung matutulog na po ako nakita ko po na may katabi yung assistant director namin. Nakaputi po yung katabi nya. Hindi ko po masyadong makita kasi madilim kaya natulog na lang po ulit ako. Kinabukasan po tinanong ko siya kung may katabi ba sya sabi nya po solo lang po sya sa comforter. Gusto ko pong sabihin sa kanya na may katabi sya pero hindi ko na lang sinabi kasi baka mag freak out syaNung last day naman po. Nagising po kami ng 4 am para maligo kasi maaga kaming aalis papunta sa venue. Umakyat po ako sa 2nd floor para kunin yung gamit ko sa locker. Nasa kalagitnaan na po ako ng may makasalubong akong babaeng umii-iyak at nakasuot ng p.e uniform namin. Akala ko po yung director namin kasi parang sya po. Tinanong ko po siya kung bakit sya umiiyak pero hindi nya ko sinagot. Tumakbo po sya pababa. Sinalubong ko po sya para pakalmahin pero tumagos po sya sakin.

Philippine Universities and Colleges Ghost Stories  {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now