Christmas 1.1 √

Start from the beginning
                                    

From: Pan.
Wala! Wag ka nga makialam sa mga ginagawa ko!

Sumimangot ako at pinili na wag na siyang replayan. Minabuti kong manood ng NBA pero hindi rin nakapag concentrate dahil nagtatatalo pa ang dalawang ugok kung sino ang mananalo. Hindi ko maiwasan na mapa face palm, minsan iniisip ko kung bakit ko sila naging kaibigan na dalawa.

Lumingon ako kay Harold na panay tunog ang phone. Hindi rin ito nanonood dahil mas nakatutok siya sa pagtitipa sa phone niya. Siguro nga busy siya talaga. Napilitan lang siya pumunta rito.

"Busy ka ah? Tungkol saan ba 'yan?" Pang uusisa ko. Lumingon ito sa akin at umiling.

"Business and stuffs." Tumango ako at hindi na siya pinansin. Pero itong si Rosas ay sadyang makulit at tinanong pa si Harold.

"Chicks mo Harold?" Rosas asked. Pinatay na nila ang TV at itinuon ang atensyon sa boring na mukha ni Harold. Itinabi nito ang phone at tumingin sa amin.

"Hindi ako babaero kaya wag mo akong itulad sayo Rosas."

Napuno ng tuksuhan ang buong living room. Pinaka kawawa si Rosas na hindi manlang napipikon sa pang aalaska sa kanya.

"Pero maganda ba 'yun?" I started asking. This is my technique para mapa amin si Harold. Madali lang naman sabihin na wala siyang chicks pero hindi siya sumagot ng wala na very unusual para sa napaka direkta sumagot na si Harold.

Tumango ito na mas nagpalaki ng ngiti ko. Tumahimik rin sila Sandrex at Rosas na naghihintay ng iba pang sasabihin ni Harold. This is the first time that Harold talked about something that he admired on.
"Chicks ba 'yun?" Sandrex asked.

Our definitions of chicks is a woman who is pretty, white, has a long and black hair. Tapos dapat sexy at matangkad rin katulad namin.

"She's already prefect for me." Kumislap pa ang mata nito at malayo ang naging tingin.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang paraan ng pag tingin nito ay katulad ng tingin na ibinibigay niya sa tuwing makakasama namin ang pinsan ko. Does he have a thing for my cousin Irish?

Humugot ako ng malalim na paghinga. "Si Irish ba ang tinutukoy mo?"

Harold stunned. Bumalik ulit ang poker face nito. Mataman ko siyang tinitigan.

Tumayo si Rosas at itinuro si Harold. "Hoy! Off limits na ang pinsan ni Warson! Akin lang si my loves!"

"Hindi." Sagot nito pero hindi ko pa rin inaalis ang titig sa kanya. Sinusukat kung hanggang saan ang makakaya niya.

Umiwas ito ng tingin sa akin at bumuntong hininga. "Bakit ako magkakagusto sa pinsan mo? Sabi mo nga, pangit siya at hindi karapat dapat pagtuunan ng pansin. Maraming mas maganda sa kanya sa campus kaya wag kang mag alala, hinding hindi ako magkaka gusto sa pinsan mo."

Dito ako tuluyan naka hinga ng maluwag. Tinapik niya ako sa braso at tuluyan na napangiti. Pero na alis ang ngiti niya sa mga labi ng makita si Irish sa pinto ng living room.

Naka awang ang labi nito sa amin at nasa sahig na ang dala niyang bag. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Ano'ng nagyari sa kanya?

"Irish my loves!" Sigaw ni Rosas at bumati sa kanya. Pero hindi ito pinansin ni Irish dahil namumutla ito at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

Ngumiti ako sa kanya pero tumatagos ang tingin niya sa akin. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya kaya nakita ko ang parehong reaksyon ni Harold. Namumutla rin ito at naka awang ang labi. Kung kanina ay naka upo ito, ngayon naman ay nakatayo na ito.

"Pan!" Sigaw ko sa kanya. Saka pa lamang siyang parang natauhan. Malungkot na ngumiti ito sa akin.

Ngumiti rin ito sa mga kaibigan ko. "Excuse me, ihahatid ko lang ang gamit ni Sam sa magiging kwarto namin." Mabilis itong umalis at hindi na hinintay ang sasabihin namin.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now