40

6.8K 217 4
                                    


Gabi na at nakauwi na rin kami sa isla pero di parin mawala sa akin yung nangyari kanina. Lalo na yung  mukha nung babae. Bakit ganun? Bakit parang kilala niya ako?

"Ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong ni tatay sa likuran ko.

"Opo, may iniisip lang." Sagot ko dito.

Tumabi naman ito sa akin habang malaya naming pinagmamasdam ang nalawak na karagatan. Kita kasi ito mula sa bintana namin dito sa sala ng bahay.

"Namimiss ko na nanay mo." Kapagkuway sabi nito. Napalingon naman ako sa kanya, nakatanaw lang ito sa malayo at bakas ang pangungulila sa mukha.

"Babalik na si nanay bukas, tatay talaga." Naiiling na sambit at binalik sa karagatan ang tingin. Tumawag kanina si nanay at sinabing bukas na ito ng hapon uuwi.

Napakapayapa ng dagat. Komento ko sa aking isipan.

Wala ng nagsalita pa sa amin ni tatay. Pero pagkatapos ng ilang sandali nagpaalam na ito para matulog.

Maya maya pa ay napadisisyonan ko na pumasok na rin sa kwarto ko. Agad na nahiga ako sa kama pagkapasok at pilit na pinapatulog ang sarili. Pabaling baling lang ako ng posisyon sa higaan pero hindi ako makatulog. Binabagabag parin ako sa nangyari kanina. Napa upo ako sa kama at bahagyang hinilot ang sintido. Nagsisimula namang sumakit ang ulo ko, ganto parating nangyayari pag masyado akong nag iisip.

Hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang aking sarili sa salamin. Dahan dahan akong tumayo at lumapit para tingnan ng maayos ang sariling repleksyon.

"Sino ka ba talaga?" Mahinang tanong ko aking repleksyon sa salamin.

Parang baliw naman ako nito.

Unti unti kong nilalapit ang kamay ko sa salamin at napa buntong hininga.

Arghhh... Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad.

Gustong gusto kong malaman kung sino ba talaga ako, kung saan ako nangaling, kung sino ang pamilya ako..

Gusto ko ulit maka usap yung babae. Sa tingin ko ay kilala niya ako. Sa paraan palang ng pagtitig niya at sa biglang pagyakap nito sakin pakiramdam ko ay matagal na kaming magka kilala nito. Gusto kong tanungin siya kung bakit niya ginawa yun at anong dahilan niya. Kung di lang ako tinawag ni joey eh nakapagtanong pa sana ako.

Bukas pakikiusapan ko si joey na samahan ako ulit doon.

Bumalik na ako ng higa sa kama. Di kalaunan ay dinalaw narin ako sa wakas ng antok.

___

Maaga pa lang ay pinuntahan ko na si joey sa bahay nila. Hindi naman ito kalayuan kaya agad na nakarating ako sa kanila.

Una kong nakita si aling rosa na nagdidilig ng mga halaman nito sa bakuran.

"Magandang umago ho," Magalang na bati ko rito.

"Aba'y maganda umaga rin sayo kim, ano bang  sadya mo at napaaga ka ata?" Nakangiting saad nito.

"Pwede ko ho bang makausap si joey, may hihingin lang sana akong pabor sa kanya." Sagot ko.

"Andun nagpapakain sa mga manok." Turo nito sa manokan nila. Agad ko naman nakita dun ang pigura ni joey.

"Aling rosa puntahan ko po muna si joey." Sabi ko.

"O siya sige, tapusin ko lang ito." Tukoy nito sa pagdidilig ng halaman.

Nagtungo naman ako kung naasan ang kaibigan ko. Balak ko pa sanang gulatin ito dahil sa  napakaseryso nitong kinakausap ang mga manok. Parang timang. Pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay agad na umingon ito sa deriksyon ko.

"Jusmiyo kim!" Gulat na bulaslas nito habang nakahawak sa dibdib. "Balak mo bang patayin ako sa gulat!"

Natawa na lamang ako sa kanya. Balak ko lang sana na gulatin siya pero sadyang napaka magulatin din pala ng loko.

"Tigilan mo yang kakatawa mo kimtot kung hindi sasamain ka sa akin!" Banta nito na mas ikinatawa ko.

Aysus ako pa pinagbantaan. Eh gumaganti lamang ako.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin at halatang hinintay akong tumigil katatawa. Maya maya pag tumigil na ako at pinaseryoso ang mukha.

"Ano bang ginagawa mo dito ng ganto kaaga?" Rinig ko parin ang konting iritasyon sa boses niya.

"Joe samahan mo naman ako o." Agad na sabi ko sa totoong pakay kong bakit ako nag punta rito.

"Saan?"

Napa isip naman ako kung tama ba itong gagawin ko. Paano kung ito yung ikakapahamak ko? Pero gusto ko rin malaman kung sino talaga ako!

"...Doon sa resto na pinuntahan natin kahapon." Alanganing sagot ko.

"Bakit? Anong gagawin natin dun?" Usisa pa nito. Hay daming tanong mo tol!

"Yung babae kasi, ano--"

"May gusto ka sa kay ma'am isabella?!" Putol nito sa sinasabi ko. Agad na nakatanggap ito ng batok galing sa akin.

"Aray ko naman!" Reklamo nito.

"Eh kung patapusin mo muna kaya ako hindi yung kung ano anong sinasabi mo diyan!" Inis na wika ko.

"Ano ba kasi yun?!" Inis ding ganti nito.

"Para kasing kilala niya ako." Di siguradong sagot ko. Kita ko sa mukha ni joey ang pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin? Paanong kilala ka niya eh unang beses mo pala na nag punta dun?" Kunot noong saad nito.

Sheeet hindi ko pala nasabi sa kanya yung tungkol sa sinabi ni nanay kung bakit ako napunta sa kanya.

"Makinig ka muna at mangako ka na wala kang ibang pagsasabihan nito?" Mariing tiningnan ko si joey.

"Teka.. Ano ba kasi yung sasabihin mo? Kinakabahan ako sayo."

"Basta mangako ka muna na wala kang pagsasabihang iba!"

Napahugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Pangako, wala akong pagsasabihang iba." Sabi niya habang nakataas ang kanang kamay na tila nanunumpa.

Napatawa naman ako ng bahagya sa inasta nito. Nakita ko ang biglang pagsama ng tingin nito sa akin na agad namang kinahinto ko.

"Okay...."

Sinabi ko lahat sa kanya ang kweninto ni nanay lourdes sa akin. Mula sa simula hanggang sa paglipat namin dito.

Nagulat ito sa nalaman tungkol sa akin pero kalaunan na naintindihan niya din ako.

____

"Sigurado ka ba dito?" Nag aalalang tanong ni joey. Nandito na kami sa tapat ng resto nakatayo. Nag commute lang kami papunta rito, wala naman kasi kaming sariling sasakyan.

"Desperado na akong malaman kung sino ba talaga ako joe." Detirminadong sagot.

"Kung yan talaga ang pasya mo, susuportahan kita diyan." Sabay ngiti nito ng tipid sa akin.

"Salamat joe."

"Sige na, hintayin nalang kita rito."




































Unedited...

In BetweenWhere stories live. Discover now