8

6.9K 289 4
                                    


I woke up to that annoying alarm on my phone. Kinapa kapa ko ito sa gilid ko, with my eyes still closed. Pero ang putek di ko ito mahanap. Patuloy parin yung tunog na kina inis ko. I groaned and slowly get up. Naupo muna ako sa kama at kinusot ang mata ko sabay hikab bago hinanap ang cellphone.

Bigla namang nawala ang tunog. Babalik na sana ako sa pagtulog ng umalingaw ngaw ulit ito. Naman eh!

Asan ba kasi yun? Usually dito ko sa bedside table nilalagay yun pero wala naman dun. Nag riring parin yung cp ko pero di ko matukoy kung nasaan nagagaling ang tunog. Hays tulog pa ata utak ko!

Tiningnan ko sa drawer wala naman dun. Sinubukan kong tingnan sa ilalim ng kama and gotcha! Andito kalang palang asungot ka dinistorbo mo pa tulog ko!

Pano kaya 'to napunta dito? Sinubukan ko itong abutin dahilan ng pagka tama nang ulo sa gilid ng kama. Shit. Tulog pa talaga utak ko eh.

Nakahawak ako sa noo ko habang hawak din ng isang kamay ko ang cellphone. Bigla naman akong nagising ng tuloyan nang makita kung hindi pala alarm lang ito kundi si daddy yun na kanina pa pala tumatawag. Shet ulit!

"Uh he-llo?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

"Where the hell are you yesterday?!" Galit na sagot naman sa kabilang linya. Medyo nilayo ko sa tenga ko yung cp dahil sa lakas ng pagkakasabi ni dad. "We told you guys that we we're having a dinner with both  family but you two didn't show up!!"

"Uh--"

But before i could answer he cut me off. "Nasan ka ba kagabi?!"

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa tanong niya. "D-dad Im sorry. i was s-sick yesterday kaya hindi ako nakapunta kagabi, but I'm fine now. " shet nautal pa ako.

I hope he buys it. There's a long pause on the other line before he speaks again. "Lunch at your soon to be in law's house, they invited us and i expected you to be there." Then he ends the call. Okay? Para san na naman ba yung lunch na yun kala ko ba nakatas na ako. Hay nakung buhay naman 'to o!

Dapat maka uwi na si cerro agad ayoko ng magpangap pa.

___

"Well  mr.gonzales you're too early," bungad agad sa akin ng prof pagkadating ko. Huh? Anong early eh late na nga ako e! Napatingin naman ako sa relo ko, alas nuwebe na. Magsasalita sana ako pero --

"....you're too early for the second subject." Pagpapatuloy nito na naka ngisi pa. Nagtawanan naman yung mga punyetang kaklase ko. Napasimangot tuloy ako. "Alright class dismissed." Sabi pa nito at tuluyan ng umalis. Masamang tingin ang pinukol ko sa papalayong guro. Kung hindi lang talaga ako marunong remespeto kinalbo ko na ng tuloyan yun! Pa ngisi ngisi pa bilang naman yung buhok! Hmp!

"Aga natin ha?" Si marvin na mukhang nagpipigil tumawa. Isa pa to! Kung di ko kaya siya tulungan kay isabella!

"I-tawa mo yan baka mautot ka pa!" Naiinis na wika ko. Tumawa naman yung loko. Abat?! Simaan ko ito ng tingin.

"Dude easy lang. Masama yata timplada ng umaga mo. Parang di naka iskor kagabi." Pang aasar pa nito.

"Sapak gusto mo?" Wala talaga ako sa mood ngayon.

"Binibiro lang eh," hinawakan nito yung batok niya. "Ah gusto ko lang sabihin yung tungkol sa pinag usapan natin," Naging seryoso na ito. Ako naman ay nakikinig lang sa kanyang sasabihin. "Pwede bang pakibigay mo ito kay isabella." Atsaka nito inabot sa akin ang isang tungkos ng pulang rosas na ngayon ko lang napansin mula pa kanina.

Kinuha ko ito galing sa kanya. "Bakit hindi nalang ikaw ang magbigay nito sa kanya?" Suhestiyon ko.

"Ikaw nalang." Tila nahihiya nitong sabi at nakayuko pa.

"Eh ikaw nalang kaya, para personal mong maiabot ito sa kanya."

"Nahihiya kasi ako. Alam mo na, maganda siya, sikat dito sa school atsaka lahat lahat na ang perfect niya. Eh ako, ito lang ako. At hindi ko rin alam anong nangyayari sa sarili ko pag nasa harap ko lang siya, bigla nag shu shutdown utak ko at syempre ayoko din na maging katulad ng mga estudyante na binasted ni Isabella sa maraming tao at pinahiya." Naayukong salita nito. Medyo natawa ako sa confession niya. Ay mali natuwa pala, iba ang natuwa okay? Hindi ko siya pinagtatawanan, natuwa lang ako sa kanya dahil ang cute niya kasing tingnan habang nagsasalita. Haha

"Sus tao lang naman si Isabella eh, kaya wag ka umaktong para isa siyang poon." Mabait naman si marvin eh, athletic tsaka cute tapos mabait, charming, maganda katawan tapos mabait ulit hihi dijoke lang ang gwapo kaya ni marvin tapos ang hot pa. Siya kaya yung mga tipo kong boys. Haha.

"Sinasabi mo lang yan dahil magkaibigan kayo at wala kang nararamdaman sa kanya." Madramang wika nito. Sus magkaibigan ka diyan, kung alam mo lang!  bat si Isabella pa kasi na nuknukan ng katarayan.

___

"Basta pakibigay nalang yan sa kanya." Huling sabi ni marvin. Napatitig nalang ako sa rosas na hawak ko. Hay naku!

Palabas na sana ako ng school ng makasalubong ko si Isabella sa hallway. Bigla bumilis ang tambol ng dibdib ko. Pinigilan kong huminga nung dumaan ito sa akin pero bigla akong napatingin sa dala ko rosas. "Isabella,"  I suddenly blurt out her name.

Mahigpit ang kapit ko sa bulaklak na dala ko nung timigil ito sa tumingin sa akin. "Ah flowers." Turo ko sa bulaklak na hawak ko. Shet bat ba kinakabahan ako. Minsan talaga nakakatakot yung awra niya.

Narinig kong napa ayiee yung dalwang kasama niya tapos yung ibang tao naka tingin lang sa amin. Partikular kay isabella at sa magiging reaksyon nito. Naalala ko yung sinabi ni marvin kanina. Shet baka ipahiya ako nito! Pinaningkitan ako ng mata ni Isabella bago pa man siya makapag salita ay inunahan ko na ito,

"No, no, no, no, it's not from me. Kay...kay marvin yan i-inutusan lang ako."

Still ganun parin yung mukha niya. "Here." Inabot ko sa kanya yung bulaklak. Hindi naman yung kinuha sa akin, sht naman kunin mo! For my sake Isabella!!pls!!

"C'mon bella it's bueatiful." Tukoy ko sa bulaklak. Nilagay ko ang isang kamay sa bulsa ko. I'm trying to play it cool pero namamawis na talaga ako dito.  Isabella c'mon please?!

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko nung dahan dahan nitong kinuha sa akin yung bulaklak pero biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng itapon niya ng malakas sa mukha ko ito. P0ta.

"Eat that you moron and get lost!" Bulyaw nito at tsaka umalis. Napa igting yung panga ko sa ginawa niya at naka kuyom yung mga kamao ko. Nakita ko naman yung iba na nagtawanan lang. Buwesit!







Pashnea!

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon