18

6.4K 219 26
                                    

Sa pag bitaw ng labi namin sa isa't isa ay mabilis na tumakbo papalayo sakin si bella. Hindi ko alam kong bat ko nagawa yun. Do i like isabella? Nah, I'm just drunk.

Hindi pa ako nakaka recovered sa halikan namin ni isabella, isang malakas ng suntok naman ang dumapo sa aking mukha. Sa lakas ng pagkakasuntok nito ay natumba ako sa sahig.

"Gago ka!" Hinawakan nito ang kwelyo ng damit ko, dito ko lang nalaman na si marvin pala may gawa nun. Hinila nito ang kwelyo ko at pilit na tinatayo. "You're fcking stabbing me at my back!" Another punch landed on my face. Ouch.

Wala akong lakas para pigilan ito. Medyo hilo narin ako dahil sa alak at sa suntok nito.

"Kaya pala ayaw mo na akong tulungan kay isabella dahil ikaw lang pala poporma sa kanya! Gusto mo siyang soluhin!" Isang suntok pa galing sa kanya, bago niya ako marahas na tinulak.

"M-marvin please." Pagmamakaawang sambit ko habang nakiga sa sahig.

"Traydor ka!" Galit na sigaw nito kasabay ang Isang malakas na sipa sa tiyan ang natangap ko galing sa kanya.

"Ughhh.." Namimilipit na ako sa sakit.

"Marvin tama na." Rinig kong umawat sa kanya si nikko. Hindi ko man nakita pero kilala ko boses ni nikko.

"Ginago ako nito eh." Marvin kick my shin.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni nikko na naguguluhan sa nangyayari.

"Yang gagong yan nakita kong nakikipag halikan kay isabella!"

"Marvin, ma-mali ka n-ng ini isip mo!" Sinubukan kong magsalita kahit gusto ng bumingay ng katawan ko. Pilit din akong tumatayo sa pagkakatumba.

"Wag mo na akong gaguhin tangina mo!" Unti unti itong lumalapit sakin. "Sayang akala ko kaibigan kita kaso traydor ka." Everything went blur. Naramdaman ko ulit yung kamao ni marvin sa mukha ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.

"Sorry dude, I'm on Marvin's side." Boses ni nikko ang huling narinig ko.

____

3rd person pov

"Uhm sir naiwan niyo po yung cellphone niyo kanina kaya tinabi ko," Inabot ng bartender ang cellphone kay nikko. "Kanina pa po may tumatawag diyan."

Nagtataka namang kinuha ni nikko ang cellphone sa bartender dahil hindi naman niya naiwan yung phone niya kanina at hindi rin ito sa kanya.

"Hindi naman to kay marvin." Mahinang sabi ni nikko at napatingin sa naglalasing na kaibigan. Alam ni nikko kong ano ang phone ni marvin.

"Kanino kaya 'to?" Sakto naman na nag ring ang cellphone. "Jonas calling?" Mahinang bigkas ni nikko. Sino 'to?

"Niks your phone is ringing!" Marvin said na napatingin din sa cp.

"This isn't mine." Umiling na sagot ni nikko kay marvin.

Pamilyar naman kay marvin ang cp na nakita. "Patingin." Mabilis na kinuha nito ang cp kay nikko.

'It's cerro's phone.' Sabi ni marvin sa isip niya. Alam niya ang phone ni cerro kasi nakigamit siya isang beses nun. Nakita naman nito na may tumatawag at hindi na siya nag dalawang isip at sinagot ito.

"Cy ano bang ginagawa mo't antagal mong sagutin ang tawag ko!" Inis na wika ng lalaki sa kabilang linya.

"Cy?"

"Cryil hello?"

'Who the fuck is cyril is?!' Naguguluhan na tanong ni marvin sa isip.

"Bakit ang ingay diyan? Nasa bar ka ba?!"

"Cyril?"

Tumikhim lang si marvin bilang sagot sa kausap.

"Cy guess what? Ito na ang huling araw mo na magpapangap bilang si cerro." Masayang balita sa kabilang linya.

Napakunot naman ang noo ni marvin sa narinig 'huling pagpapangap bilang si cerro?'

"Cy aren't you happy hindi ka na magpapangap bilang lalaki, no more binders for you and you can wear now your favourite dress and also--" pinutol na ni marvin ang tawag. Anong ibig niya sabihin? Magpangap bilang lalaki? Wear a dress? What the fuck?

Napahawak naman ni marvin sa sintido niya dahil sumasakit ito sa kakaisip sa mga narinig.

"What does he mean?" Marvin asked more to himself. Naguguluhang napatingin naman si nikko sa kanya.

"Who's that?" Nikko asked his friend.

Hindi sinagot ni marvin si nikko at patuloy na iniisip kong ano ang ibig sabihin nung sinasabi ng lalaking tumawag.

"Magpanggap?" Mahinang usal ni marvin. Napaisip ulit ito, Si cerro nagpapangap? Or cyril? What's his real name? Or her? Bakit siya magpapanggap? Who else know about this? Does isabella know this too? Biglang naalala ni marvin how 'cerro' moves and act, how feminine he was, marvin thought he was just soft or gay. Now it's all explained.

"Dude are you okay?" Nag aalalang tanong naman ni nikko sa kaibigan nakita niyang malalim na iniisip nito. Baka kako iniisip nito ang nangyari kanina. Naging kaibigan niya din si cerro at nagulat nga sya sa bintang ni marvin kay cerro hindi niya inakala na nagawang traydorin ni cerro si marvin. They both thought na cerro is gay, the way nga kumilos ito, kaya kampanti si marvin na hindi siya babaliktarin nito.

"He's a girl."

Nagulat naman si nikko ng biglang nagsalita si marvin. "Cerro is a girl."

"What are talking about?" Napakunot ang noo ni nikko sa kaibigan. Hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng kaibigan. "And girl who?"

"Cerro is a girl." Ulit ni marvin. Medyo gulat at nag aalala naman si nikko sa kaibigan. "What do you mean?"

"Listen nikko, cerro is pretending to be someone, and he's a fcking girl. I don't know if Isabella already know this but cerro fcking lied in all of us. Isabella will be fcking mad to cerro pag nalaman niya 'to!"

"Dude are you high or something?" Nikko didn't believe him. Marvin is drunk probably hindi na nito alam ang pinagsasabi. Alam niyang galit si marvin kay cerro at hindi niya rin alam kong ano ang pumasok sa kukote ng kaibigan bakit niya sinasabi yun.

"Fck you I'm not high! I'm saying the truth!" Marvin hissed.

Napailing si nikko sa kaibigan. Hay lasing na nga ito kong ano ano ng iniisip. "Jeez dude, let's get you home okay?!"

"I'm not going home," tumayo ito. Galit si marvin kasi hindi siya pinaniniwalaan ng kaibigan. "Where the hell are you going!" Pigil ni nikko sa kaibigan nang nagsimula na itong mag lakad paalis.

"Hindi ka rin naman naniniwala diba! Kaya get out of my way!" Tinulak ni marvin si nikko.

"Dude!" Tawag pa ni nikko sa kaibigan pero nagpatuloy lang ito sa pag lalakad.



























Tbc...







Magulo ba? Feel free to ask.😉

In BetweenWhere stories live. Discover now