1

24.3K 431 107
                                    

Cyril's Pov

"Please cy, i need your help." Nagmamakaawang sabi nito sa akin.

"Ayoko nga, tsaka ang hirap naman kasi ng ipapagawa mo." Hindi ko kaya ang pinapagawa niya. Magpanggap ba naman ako bilang siya ang hirap nun lalo lalaki siya at babae ako.

"C'mon cy, hindi ka ba naaawa sa kakambal mo." Nag pout pa kala mo naman cute. Tsk.

"Ayoko." I'm too gorgeous to pretend to be him.

"Cy naman sige na please, kailangan ko talaga ng tulong mo dito. I have to pursue my dreams and you're the one who can help me. I want to be a  musician, i don't belong behind desk like dad's want me to be."

Napatitig ako sa kanya habang nagsasalita. My poor twin brother. Dad wants him to be a businessman like him while my brother don't like the idea, he loves music. My father and i haven't seen each other for years since my mom and him got separated. Mga nasa isang taon palang kami nun nakay mom ako at si cerro naman kay dad. Cerro and i secretly each other wala alam ang mga magulang namin na nagkikita kami at alam namin ang tungkol sa isa't isa. Mom made me believe that my father died before i was born, yan ang sabi niya sakin and so as cerro ganun din ang sinabi ng dad sa kanya.

I met cerro when i was six years old. Pinakilala kami ni lolo't lola namin sa isa't isa. I was so happy that time knowing i have  a brother, twin brother ro be exact. Our grandparents tell us not to tell others, specially our parents that we already know each other.

But me, pretending to be my twin brother is really hard. Siguradong mabubuking agad kami. I wanted to help him pero-- this is crazy!

"Cy, please?"

I hate seeing him like this.

Napahinga ako ng malalim tsaka tumango. If this gonna make him happy then yes. Bahala na.

"Really? Oh my gosh cy, thank you!" Niyakap ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko sa kanya.

I broke our hug and look at him. "I ain't doing this for free my dear brother."

Kumunot ang noo nito. "Do you want me to pay you?"

"Ow do i look like i need your money?" Ganti ko naman at kunwaring nasaktan sa sinabi niya. "Grabe ka naman sakin."

"Then what do you want me to do?" Naguguluhang bigkas niya. Haha sarap pag tripan nitong kapatid ko.

"I'm just kidding bro." Niyakap ko ito. "Promise me you'll gonna be a famous musician when you get back okay?"

He let out a chuckle. "I can't promise you that and besides mga isang buwan lang ako  dun." Ginulo nito ang buhok ko. "Babawi ako sayo pramis."

"Sabi mo yan ah."

"So, are you ready to transform to be a super hot and extremely good looking Cerro Gonzales?" Ngising tanong nito.

Napatawa naman ako sa kanya. "Pinagsasabi mo? Ginawa mo naman akong robot, Tsaka anong super hot at extremely good looking ang sinasabi mo eh mukha ka namang tuko!" Asar ko pa.

"Grabe ka naman sis!"

"So ano ready ka na?" Balik tanong nito.

"I guess I'm ready."

_____

"No way!" Tutol ko. Pano ba naman kasi puputulin daw nila yung buhok ko. E lab na lab ko to.

Nandito kami kina Jonas, Cerro's friend which happened to my friend as well. Naka upo ako habang nakaharap sa salamin.

"Wearing a wig is risky. Pano kung--" i cut jonas off before he could complete his sentence.

"Ayaw." Habang hawak ko ang buhok ko.

"Maybe cyril could wear a wig if she doesn't want to cut her hair J." Sabat naman ni cerro.

"But it's more convincing if she doesn't wear a wig Cee." Jonas answered and hold my hair.

"Tutubo naman ulit buhok mo cy, arte nito." Maarte sabi nito and roll his eyes. Baklang toh.

"Tusukin ko yang mata mo eh."

"Witch!"

"Bakla!"

"Tama na nga yan." Awat ni cerro sa amin.

"Maybe jonas was right cy." Dagdag pa nito.

"But cerro, i love my--- arghh alright fiiine." Hays im so sorry mah bebe hair. I will definitely miss you.

"Good." Jonas said while holding the scissors.

"Ayusin mo ah!" May pagbabantang sabi ko.

Hinila nito ang buhok mahina lang naman. "Kalbuhin kita eh."





"Wow." Sambit ni jonas matapos niya ako gupitan. Napatingin din ako sa salamin. Cerro and i got same hair cut. Wow, i really look like cerro but more feminine.

"Magkamukha kayo." Manghang sambit ni jonas.

I just roll my eyes at him. "We're twins loser."

Lumapit si cerro at ginulo ang aking buhok. "Well, for someone who's close to me still notice you if they look closer and for those who doesn't they'll gonna think you as me."

"You really copied my hair J, nice." Nag fistbomb sina jonas at cerro.

"Here cy, try this clothes." Inabot sa akin ni cerro ang damit. Kinuha ko ito at pumasok sa banyo para mag palit.

"Oh wow. Looks like just me." Komento ni cerro pag labas ko.

Umikot pa ako and imaginary flip my long hair and then nag pose na parang miss universe.

"Gaga wag kang ganyan parang baklang cerro ka!" Si jonas na naiiling.

"I think you're ready cy. You just need to act more like me para di sila mag duda sayo, specially around with dad." Cerro said and  ruffled my hair. He always do this every time.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Parang na sense naman niya ako. "Hey don't worry about dad, we barely see each other in a month kaya alam kung di ka niya mahahalata. Beside Ian is there, he's my butler. I talk to him about my plan he's gonna help you."

"By the way, tomorrow is my flight." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Wait, i can't do this tomorrow Cee."

"Hindi pa naman bukas sa susunod na araw ka pa uuwi sa bahay nagpaalam ako kay dad na mag i-stay muna ako dito kina jonas. You still have time."

"Okay." I said weakly.

Kinagabihan tinuruan ako ni cerro sa lahat ng pasikot sikot sa bahay nila, pati mga taong nakapaligid sa akin kailangan ko i memorize sila. Hays sana hindi kami mahuli nito.

"Just call me when you need anything." Niyakap ako ng mahigpit ni Cerro. Ngayon na alis niya papuntang ibang bansa. Mamimiss ko tong kambal ko na to.

"Take care cee, i will miss you." Naiiyak na sabi ko.

"Mamiss din kita tsaka mag ingat ka din."

"Bye cy, bye J."

"Buh bye cee. Ingat ka dun ah, alagan mo sarili mo wag kang magpapabaya ron tsaka ako ng bahala sa mga bata magpadala ka ng mga sabon ah tsaka mga delatang-- aray!" Binatukan ko si jonas. Bwesit talaga tong baklitang to!

"Makabatok ka naman!" Akmang gaganti ito sakin.

"O ano?! Sige!"

"Tumigil na kayong dalawa para kayong mga bata, sige alis na ako. J si cy ah paki bantay sa kapatid ko."

"Ako ng bahala dito cee. Ingat ka."

Nakatingin lang ako sa papalayong si cerro. Hays... i dont know if i can really do this.












___

So, What do u think?

In BetweenWhere stories live. Discover now