End

10.1K 313 120
                                    

Cyril




"Nay, tay, I'll get going na po." Sabay yakap ko sa dalawa. Sunod ay niyakap ko din ang kaibigan ko. "Joey, sina nanay at tatay ah, paki tingnan."

"Yes boss." Sumaludo pa ito sa akin.

"Hey, c'mere." Baling ko kay elena na katabi lang ni joey. Bahagyang lumapit naman ito sa akin.

"You sure you don't like me ba talaga?" Naka pout na tanong nito. Hayst this kid!

I playfully pinched her cheeks. Ang kyut eh.

"You're like a little sis---"

"Tsk fine, fine, fine! You don't have to rub it in my face." Atsaka ito yumakap sa akin. "I'll miss you, cyril."

Napangiti naman ako sa pagbanggit nito sa totoong pangalan ko.

"Mamimiss din kita kahit papano." Pabirong sabi ko. "Tsaka kaya di ka nagkaka jowa dahil napakabrat mo ---  aray!" Napakalas ako ng yakap sa kanya dahil sa kurot nito sa tagiliran ko.

"Umalis ka na nga!" Pagsusungit nito na ikinatawa ko na lang.

"O sya sige. Alis na ako." Sabay sulyap kay cerro na naghihintay sa akin, nakatayo ito sa gilid ng kotse niya.

"Mag iingat kayo sa byahe, anak."

"Opo nay, sge po mauna na ako."

"How's the company?" Tanong ko ng makapasok kami ni cerro sa sasakyan.

"You sounded like dad." Bahagyang napa iling ito atsaka binuhay ang makina. Bumusina pa ito bago kami tuluyang umalis. "Three days ka lang nawala atsaka di naman siguro nawawala yun."

"Mahirap na baka na mismanagement mo na yung kompanya." Bahagyang biro ko dito. Nakatanggap tuloy ako ng masamang tingin sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin! Ano 'kala mo sakin ha?!"

Napatawa ako ng mahina. "Oo na, may tiwala naman ako sayo eh."

Tumutulong na kasi si cerro sa kompanya. And I'm glad kasi may katulong na ako sa pagpapatakbo ng negosyo maliban kay dad.

"Wait, were are we going?" Nagtatakang tanong ko kay cerro. Pansin ko kasi ibang daan na ang tinatahak namin.

"Sa airport, may susunduin lang tayo." Nakangiting sagot nito habang nakatutok sa daan.

"Sino?" Intriga ko pa.

"Basta." Nagkibit balikat ito.

"Sino nga kasi?!"

"Hay ang kulit cy! Malalaman mo din mamaya."

"Fine." Napahalukipkip ako.

Napa isip tuloy ako kung sinong susunduin namin dun. Hindi naman siguro yung asawa niya, ni hindi nga nun maiwan ang mga anak nila. Hindi din naman siguro sila mommy, nasa bakasyon yung magulang ko sa Hawaii at alam kung next week pa ang dating nila. A close friend maybe? Hmmm sino kaya yun?

After an hour nakarating din kami sa airport.

"Sabi niya dito na lang daw natin siya banda hintayin." Sabi ni cee habang busy sa kakalikot sa telepono.

"Okay." Bored na sagot ko.

Halos sampung minuto na kaming nakatayo pero wala padin yung susunduin namin.

"Wala pa din ba cee? Ang tagal na man nun!" Reklamo ko.

"Wait, oh that's her!" Masiglang bigkas ni cerro. Habang naka turo dun sa magandang dilag. Ang laki ng ngiti ni cerro habang hinihintay na maka baba ang babae sa escalator.

In BetweenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz