53

6.3K 219 99
                                    

"Bat andaming gamit dito?" Takang usal ko habang nakatingin sa mga bag na nagkalat sa loob ng kwarto ko.

"That's mine."

Gulat na lumingon ako sa likod habang nakahawak ang kamay sa dibdib. Ang hilig niyang gulatin ako!

"Sorry, i didn't mean to startled you." Paumanhin nito nung nakitang nagulat ako.

"Bakit dito?" Tukoy ko sa mga gamit niya na nandito sa loob.

"Nanay said that i can put my things here," Nangiting sagot niya.

Ginamit pa si nanay. Pshhh

"And she also said that we can share the bed." Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ko. Hindi na ako nagkomento at lumabas sa kwarto at hinanap si nanay.

"Nay?" Tawag ko dito.

"O bakit?" Kakalabas lang niya sa kwarto nila tatay.

"Bat niyo sinabi kay isabella na sa kwarto ko siya tumuloy?"

"Anong problema dun? Eh mag dyowa naman kayo." Sagot nito.

Napasapo ako sa noo.

Hayst.

"Hindi nga kami mag dyowa nay!" Ang kulit din ni nanay!

"Bakit niya sinabi sa akin yun ha aber?"

"Abay ewan ko!" Inis na sagot ko.

"Tsaka nakita ko kayo naghalikan kanina." Sabi pa nito na ikalaki ng mata ko.

"Nay naman!" The fck, nakakahiya!

"Hay naku kim, wag ako." Naiiling na sabi nito. Kim parin yung tawag niya sa akin dahil yun ang pakiusap ko. Alam na naman niya yung totoo kong pangalan pero mas gusto kong tawagin nila ako sa nakasanayan ko.

"At isa pa dalawa lang naman yung kwarto dito kaya wag kanang magreklamo."

"Hayy ano pa nga ba." Nagkibit balikat ako.

"O siya sige matutulog na ako."

"Sige na nay, good night."

__

"Ugh done." Sabi nito pagkatapos niyang ilagay ang gamit niya sa aparador atsaka ito nag inat. Taray parang sa kanya lang.

Nakatayo parin ako sa may pinto, hindi ako nito napansin kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Hey," Umayos ito ng tayo.

"Are you staying here for good?" Napakunot ang noo niya sa tanong ko.

"What? No. Why'd you ask?" Naguguluhang tanong nito sa akin.

"Andami mo kasing dalang gamit eh akala ko dito kana titira." Umupo ako sa kama habang siya ay nakatayo parin, then silence filled the room. Nakakailang tuloy, nakita kong nakatitig lang ito sa akin. Tumikhim ako para mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Nakita ko naman na agad nitong inalis ang tingin sa akin.

"Uhm let's sleep." She said awkwardly.

Tumayo naman ako. "Uhm which side of the bed would you like?" Tanong ko sa kanya.

Parang natigilan ito.

"Uhm the Left side or right?" Still hindi parin ito kumikibo. Napakamot naman ako sa kilay. Ano bang nangyari sa kanya?

Bigla naman akong nataranta nung may tumulong luha sa mata niya. Lumapit ako sa kanya ng bahagya.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ko. Hindi parin ito samagot at umiyak lang.

"Bella you're creeping me out ---"

Nagulat pa ako nung yumakap ito sa akin. Mahigpit yung yakap niya tila ba ayaw akong pakawalan. Imbes na itulak siya ay pinabayaan ko nalang ito na umiyak sa bisig ko.

Hindi ko alam kong anong nagtulak sa akin pero malamyos na hinagod hagod ko ang likod niya habang patuloy parin siya sa pag iyak.

Dumaan pa ang ilang minuto bago ito kumalma. Inilayo ko siya ng kaunti sa akin. Napatingin ako sa mukha niya, namamaga na ang mata nito.

"Bella--" She immediately cut me off.

"Say it again!" She said with authority at yumakap ulit sa akin mas mahigpit kaysa nung una ang yakap niya.

"A-ano?"

"Say my name again," Rinig ang Pagsusumamo sa boses nito.

"Isabella?" Takang bigkas ko. What's with it?

"No. The one you just said earlier!"

"Bella," Mahinang usal ko. "Teka ano bang meron sa --" Naputol ulit yung sinasabi ko nung biglang umiyak ulit ito.

"I'm sorry." Hikbing wika nito habang nakasubsub balikat ko. "I'm really sorry."

Bakit siya nag so-sorry? Hindi ko talaga siya maintindihan. Bigla bigla nalang tinutupak.

"Hoy ayos ka lang ba? Bakit ka ba umiiyak?" Nag aalala kong tanong dito.

"Sorry." Paulit ulit na bigkas nito na medyo ikana irita ko.

"Bat ka ba nag sosorry ha?"

Singhot lang na isinagot nito.

Hayst.

Napabuntong hininga ako at hinayaan nalang siya. Bukas ko nalang siya kakausapin. Maya maya pa ay naramadaman ko ang mabigat na paghinga nito. Sa tingin ko ay nakatulog na siya kakaiyak.

Maingat ko naman siyang hiniga sa kama at kinumutan. I don't know what's got into me but i unconsciously kiss her forehead. Hindi ko alam kong ano ang problema niya at sana ay malampasan niya yon.

Naglatag nalang ako ng sapin sa baba para dun matulog.

___

Nagising ako na parang may nakamasid sa akin. Pagkamulat ko ay agad na bumungad sa akin ang nakasimangot na si bella, bella nalang kasi ang haba nung isabella eh.

Jusko ang aga aga!

"Bakit?" Ilang na Baling ko kay bella. Para kasing inantay niya talaga akong magising.

"Bat sa baba ka natulog?" Inis na bigkas nito.

"Good morning sayo." Sabi ko pero inirapan lang ako.

Napailing nalang ako sa kanya. Ang aga bad mood agad.

"Bakit sa baba ako natulog? Pano ba naman kasi inukupa mo na buong kama." Biro ko dito pero mas kumunot lang noo niya. Tumayo na ito at lumabas sa kwarto.

"Tigilan mo na nga yang kakasimangot mo tatanda ka agad niyan eh." Sabi ko bago pa ito tuluyang makalabas at iniligpit na yung hinagaan ko.

"Good morning nanay, tatay." Bati ko sa kanila habang nag kakape.

"Hindi mo ba babatiin si isabella?" Makahulugang sabi ni tatay. Napatingin naman ako kay isabella na abala sa paghiwa ng mga sangkap na gulay.

"Tapos ko ng binati yan, diba bella?" Tinaas baba ko ang kilay ko.

"Yeah." Tipid na sagot nito. Nakita ko pa ang simpleng pag irap nito sa akin.

Aba?! Matapos niya akong iyakan kagabi!

"Nak ang swerte mo kay isabella, biruin mo maganda na, magaling pa sa kusina." Tukso pa ni tatay sa akin.

"Syempre magaling ako pumili eh." Sakay ko sa biro nito.

"Tumigil nga kayong dalawa!" Saway ni nanay sa amin na tinawanan lang namin ni tatay.




























Sabaw ud hahaha😂

In BetweenWhere stories live. Discover now