28

6.5K 242 29
                                    


"Say sorry to him!" Ma awtoridad na utos ni bella at nakapamewang sa harap ko. Kakapasok lang namin sa mansion ng lola niya galing kami sa lupain nila, ipinasyal kami dun ni mamita.

"Why would i?" Naka kunot noo na baling ko sa kanya.

"He's just a kid, cyril!" Hindi makapaniwalang bigkas nito.

"O ano naman ngayon? Kasalanan niya din naman yun." Parang batang maktol ko.

"You yelled at him." Isabella said 'Matter of fact'.

"He startled me."

Nakakainis naman kasi yung batang yun ginulat ako. Tinapunan ba naman ako ng laruan na ahas, grabe nga yun nerbiyos ko tas akala ko tutuklawin ako nun. At saka kalasanan niya din yun! Kung di niya yun tinapon sa akin hindi ko siya masisigawan. Sa pagkakaalam ko anak daw yun ng isa sa mga trabahante nila.

"Still, dapat di mo siya sinigawan." Giit nito. For more than two years of being together. I learned that isabella likes kids. She adore them. While me, on the other hand is the opposite.

"Pshh it's his fault anyway." I mumbled.

"What if someone does it to our child, what will you do?!" Naiinis na lintaya nito.

I lost it when the words our child left her mouth. Bigla namang nag pop up sa isipan ko ang isang batang masayang naglalaro kasama si bella.

I snap back to my senses when isabella almost shouted. Naglaho na parang bola ang batang naglalaro sa isipan ko. "Are you listening to me!"

"Anong nangyayari dito?" Nag aalalang tanong ni mamita pagkapasok sa loob.

"Nothing mamita." Agap na sagot ni isabella. Nabaling naman si mamita sa akin. "Cyril?"

"Wala po, mamita." Sagot ko saka ngumiti ng tipid.

"Bakit narinig ko kayong nagsisigawan sa labas?" Pag uusisa pa nito. Sabay na nagkatinginan ni isabella. Nauna siyang bumawi ng tingin na may kasama pang irap.

"Its cyril." Halata parin ang inis sa boses ni bella. Napakunot naman ang noo ni mamita na nagbaling sa akin.

"Wala akong ginawa." Agad na depensa ko.

"You did! You yelled at the kid!" Napa baling naman ang tingin ni mamita sa apo. "Sympre wala pang muwang yung bata, hindi mo sya dapat sinigawan."

I can't believe we're fighting dahil sa batang yun!

"Alright it's my fault, im sorry." I said in defeat. Kung di ko ibaba ang pride ko walang manyayari dito. Mahirap pa naman iseplingin tong si bella.

"Don't say that to me. Say that to the kid." Saka ito umalis sa harap namin ni mamita at padabog umakyat sa taas.

"Hays pag pasensyahan mo na si isabella ha, mahilig talaga yun sa bata saka wala din kasi siyang kapatid." Sabi ni mamita sakin nung kami nalang dito sa baba. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"At saka kailan niyo ba balak magka baby ni bella?" I choked on my own saliva when mamita asked that. I released a nervous laugh.

"Hindi pa po namin napag uusapan ni bella yan." At parang napaka imposible namang manyari yun kung tutusuin. My time with isabella is running. Biglang mawala ang ngiti ko nung maaalala ko yung malapit na paghihiwalay ni bella. Biglang sumakit ang puso. Parang i can't live without isabella anymore.

"Are you okay?" Nag aalala ang mukha ni mamita sa nakatingin sa akin.

"Yes po." I plastered a smile in my face. "Saka babalik pa po ako sa may kamalig para mag sorry dun sa bata."

"Baka mamaya balikan yun at tanungin pa ni bella." Natatawang dugtong ko. Natawa din naman yung matanda.

"Sige, apo mag ingat ka."

Ginawaran ko ito ng malamyos na ngiti bago tuluyang umalis.

____

"Who says i love you first?" Si Anna pinsan ni isabella. It's our last day here. Naisipan naman ng apat na pinsan ni bella na mag bonding sila since paalis na kami bukas.

At heto na nga. Na hotseat kaming dalawa ni bella, andami nilang mga tanong sa amin. Mostly we spit lies, of course.

"It's bella." Mabilis kong sagot. Nakita kong pinadilatan ako ni Isabella. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. "Diba love?" Nakangising kong baling sa kanya. Napatawa naman ako sa loob loob ko. I'm enjoying this.

"Really, ate?" Tanong ni Andrew kay bella, bunsong kapatid ni oliver.

"No, of course not!" Kontra naman ng isa. "Si cyril kaya tong patay na patay sa akin!"

Halos naman napatingin lahat sa akin. "Mahal kasi kita." Kay isabella ako nakatingin habang sinabi ko yun at may kasama pang kindat.

"Ayieee." Tukso naman ng mga pinsan niya.

Ramdam ko yung malakas na palo ni bella sa braso ko. Awts. In other situation, iisipin kong kinikilig lang ito.

"You're so gross." Mahinang sabi pa niya. Pero parang narinig ata yun ng iba kasi tinukso siya ng mga 'to.

"Oyy ate kinikilig." It's Andrew again, with a teasing smile.

Parang kinilig naman ako nung inisip kong kinikilig sakin si isabella.

"Shut up, drew!" Saway ni bella sa nakababatang pinsan. Nailing lang ako at natawa. Naisipan kong sabayan ang panunukso nila rito. "Love, kinilig ka ba?"

"Isa ka pa!" Naiinis na bigkas niya. "Pag untogin ko kayo ni andrew eh!" Sabay naman kaming napatawa ng malakas ni andrew.

"Isa cyril!" Pagbabanta nito nung hindi pa ako tumigil katatawa. Heto na, nagbibilang na naman si mahal.

"Sabi ko tatahimik na nga." Mahirap na baka sumpungin na naman to.

"Whipped." Natatawang komento ni oliver.

"Hindi ah, masunurin lang talaga ako." Depensa ko naman. Tumawa lang si oliver pati na rin yung iba. Si bella naman inirapan lang ako.

"Well, it's getting late." Sabay tingin ni bella sa relo na suot. "..and maaga pa kami aalis bukas." Dagdag pa nito saka tumayo na.

"Are you coming or not?" Baling sakin ni isabella. I shook my head. Bago pa nga lang kami nagsimula tsaka nakakahiya kong iwan ko nalang mga pinsan niya dito.

"Sunod nalang ako mamaya." Sagot ko dito.

"Okay." Nagulat pa ako nang dumukaw ito at kinantilan ako ng mabilis na halik sa labi. "Good night, love."

Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. First siyang niyang ginawa ang halikan ako tas first time din yung pagtawag niya ng endearment ko sa kanya.

"And don't drink too much, maaga pa tayo bukas." Pahabol pa nito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Hoy parang timang ka ng nakangiti diyan." Rinig kong sabi ni kuya marco, another cousin of isabella. Tumawa naman yung iba.

"Whipped." Natatawang tukso ulit ni oliver. Nakangiting umiling naman ako. Hay nako isabella, what have you done to me?


















































:)

In BetweenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin