Napatigil ako sa aking gawi nang may marinig akong pumapalakpak sa likuran ko.

"Ang galing!" pailing iling niyang wika habang pumapalakpak, "Napakabait mo naman Charmaine, kahit hindi mo trabaho ay ginagawa mo. You really want to impress yourself? Para puriin ka?" puna nito at bakas ang pagiging sarkastiko sa kaniyang pananalita. Napailing din ako kasi hindi ko lubos maisip kung saan napapalut ni Chesca ang mga pinagsasabi niya at mga maling paratang niya sa'kin.

"Lumaki kasi akong matulongin na kahit gaano man 'yan kaliit o kalaki basta alam kong may magagawa ako ay handa akong tumulong. Kung 'yan ang iniisip mo then think it twice baka sakaling may matutunan ka." peke akong ngumiti pagkatapos ko siyang sagotin pero parang wala lang ito sa kaniya.

"Common Charmaine, alam kong may pinaplano ka. I know that you have a reason why you're here and that reason is to ruin Aldrich's life." madiin niyang paratang sa'kin na parang sigurado talaga siya sa sinasabi niya.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Chesca? You're accusing me sa mga bagay na hindi ko magagawa." ramdam ko ang pagkakunot ng aking noo matapos ko iyon sabihin pero mahinahon pa rin ang boses ko. Nanatili pa rin akong kalmado kahit nakakainis na itong kaharap ko.

"I don't care if totoo man o hindi pero alam kong may tinatago ka. 'Di ba? Sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo siya maalala? Bakit umaakto ka na parang hindi mo siya kilala?" bawat bigkas ng tanong niya sa'kin ay may diin ito ng galit. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko rin ito masagot kaya pinili kong hindi umimik sa kaniya dahil wala naman akong masasagot.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang marinig ko ang boses ni Sir Aldrich.

"Charmaine... I understand if you're mad at me because of what I've done. I'm really sorry for leaving you without saying goodbye. But I want you to know that I never love anyone." he mumbled. Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagtataka at nalilito rin ako sa mga pinagsasabi niya.

"I don't understand. Hindi ako galit sayo at ang totoo niyan ay wala akong maalala. Hindi ko maintindihan lahat ng pinagsasabi ninyo kasi hindi ko maalala na ako ang babaeng tinutukoy mo. I'm sorry to tell you this Aldrich but I can't remember you... I can't remember about what happened 13 years ago." I exclaimed. Pareho silang nagulat dahil sa sinabi ko pero nagsasabi lamang ako ng totoo.

"Kung humihingi ka ng tawad sa'kin Aldrich kasi akala mo na nagpapanggap lang ako ay nagkakamali ka. Hindi ko maalala ang lahat at hindi ko ibig na ika'y lokohin. Mahal kita Aldrich at wala akong pinaplanong masama." puna ko at nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko. Kaagad na lumapit sa'kin si Aldrich para punasan ang mga luha ko at yakapin ako ng mahigpit.

"Don't cry, I trust you." pagpapatahan niya sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko sa likod, "Wala akong paki alam kung ano man ang totoo. Maalala mo man ako o hindi at kahit lokohin mo ako ay tatanggapin ko. My love will never change because I always love you." puna niya. Hindi ako umiyak kasi takot akong isipin niyang niloloko ko siya o nagpapanggap lang ako. Umiyak ako kasi nasasaktan ako kung bakit hindi ko siya maalala. Kung ano ba talagang nangyari sa akin at ang dahilan nang paglimot ko sa kaniya.

"Anong nangyayari dito?" kumawala agad ako sa yakap ni Aldrich dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Benjie.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago tumingin sa kaniya at nakita ko kung paano naging masama ang tingin niya kina Chesca at Aldrich. Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito dahil sanay akong masaya lang siya lagi.

Walang sumagot sa tanong niya kasi kahit ako ay hindi siya magawang sagotin.

"Bakit umiiyak si Charmaine? Anong ginawa niyo?" galit nitong tanong nang lumapit ito sa akin. Magkatapat silang dalawa ngayon ni Aldrich at parehong maanghang ang mga titig nila.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now