~♥ HIHL 12 ♥~

98 2 0
                                    

≈ Afirea ≈

"Fire!Fire!" sigaw ni Stefh habang tumatakbo papasok ng room. Hindi ko siya tiningnan pero naririnig ko ‘yung takong ng sapatos niya. Kaya pala walang maingay sa loob kasi lumabas.

"Wag kang maingay, Stefh. We're busy here," sabi ko habang nakatingin pa din sa ginagawa ko.

"Oh! May nagpapabigay sa'yo. Basahin mo kung kanino galing. Dali!" Stefh na inaabot sa akin ang isang bouquet ng flowers at box ng cake.

"Excited lang, Stefh?! Eto pa, Fire oh." Fhem tapos nilapag ang isang box ng truffles.

"Kanino galing 'to? Big time ah. Favorite ko lahat." Tiningnan ko ‘yung card na nakaipit sa ribbon ng flowers.

To: Prettt lady :)

Sometimes I wonder, if love is worth fighting for. But then I remember your face and I'm ready for war.

I wish I had the courage to tell you that I love you and the strength to hear your answer...

Corny ‘yan, alam ko. Pero galing ‘yan sa puso ko na pangalan mo lang ang tinitibok, imbes na DUG! DUG! DUG! DUG!

Hope you like it! Take care. :)

From: Your INSPIRATION <3

"KYAAAHH~" Sabay-sabay naming tili. Napatingin ang ibang members sa'min. Sumenyas na lang ako ng wala lang 'to.

"Why so cheesy?! Iiiiiihh..." mahinang sabi ni Stefh na nagtakip pa ng bibig.

"Hindi 'to corny, promise! Sweetest message ever 'to." Fhem na ginugulo ang buhok ni Stefh. HAHAHA~

"Sa kanya ba talaga galing 'to? Walang halong biro?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Gaga! Hindi ‘yan prank! Shocks! Kinikilig talaga ako." Stefh na hindi mapakali.

"Ako din. Sobra-sobra pa sa kilig, to the highest level na." Fhem na nagpa-padyak pa ng paa.

"Hindi ko na 'to kinakaya. Let me die! Let me die!" Epileptic na ang labas ko nito sa ginagawa ko. Yakap-yakap ko pa ‘yung card.

"Sige, mamatay ka na para sa'min na lang si INSPIRATION mo. Go!" Stefh at nag-apir pa sila ni Fhem. Bawal mag-joke?

"May pagtingin pala kayo sa INSPIRATION ko ah. Mga traydor na kaibigan." Tinititigan ko sila ng masama.

"Feeling ka?! Suportado ka na nga namin eh. Kahit mga hot FAFABOLS pa sila, hanggang crush lang talaga ang feelings ko for them." Fhem na nakataas ang kilay at naka-crossed arms pa. Tumango lang si Stefh.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya?" tanong ko habang nakahawak sa baba.

"Magbake ka ng cookies. Favorite niya ‘yun, ‘di ba? Sinabi sa akin ni Cool ‘yan nu’ng nando'n tayo sa kanila." Stefh.

"Sige-sige. Mamaya gagawa na ako pag-uwi natin. Hindi ko alam na ganito pala 'to kasaya." Ako. Abot langit ang saya ko ngayon ah. Galing!

Gabi na kami nakauwi lahat, sinubukan na din nu’ng iba na practice-in ang mga ipe-perform nila. Nagawa na din namin ng maayos ang program, letters and permits.

Nasa kotse na ako pauwi nang mapansin ko ang bata na patawid ng kalsada, hindi niya pansin ang palapit na kotse. Inihinto ko agad ang kotse at nagmadaling lumabas, wala na akong paki kung nasara ko ba o hindi ang pinto. Basta tumakbo na lang ako ng mabilis tapos niyakap ang bata at tumalon sa kabilang sidewalk.

Her Inspiration... His Life... ♥ [Editing...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon