~♥ HIHL 20 ♥~

98 2 0
                                    

≈ Afirea ≈

Papunta na kami sa bahay ni Stefh ngayon para sa group study na wala talaga sa plano namin. Hindi na kami naggu-group review simula ng umalis si Jireon kaya ngayon obvious naman na sa pagbabalik niya, balik na ulit ang routine namin pag magkakasama kami. Hindi naman sa masama ‘yung loob ko pero parang ganu’n na nga. HEHEHE~

“Jireon, alam mo bang hindi na kami nagrereview ng sama-sama simula ng umalis ka?” sabi ni Stefh habang inaayos namin ang mga libro at reviewers na gagamitin namin.

“Matatalino na kasi kayo saka college na kaya ayaw niyo na siguro,” nakangiting sabi niya sa’min.

“Hindi rin. Ayaw lang talaga naming alalahanin ‘yung mga ginagawa natin kasi iniwan mo kami.” Napag-usapan naming tatlo na magiging natural na ang pakikitungo namin kay Ji, pero bakit nga ba namin nakalimutan na iba ang natural ni Fhem.

Napatigil si Ji sa ginagawa at nagbaba ng tingin. Aaminin ko, simula ng iwan niya kami hindi na namin maibalik ang dating samahan. Ito siguro ‘yung tinatawag nilang ‘may lamat na’.

Hahawakan ko sana siya sa kamay tutal katabi ko lang naman siya sa sahig na nakaupo pero hindi pa nakakataas ‘yung kamay ko, eh nagsalita na siya, “Iniisip ko nga kung paano ko mababalik ‘yung tiwala niyo sa akin eh. Nu’ng una, akala ko madali lang pag napaliwanag ko na ‘yung dahilan. Mahirap pa din pala, sorry talaga sa ginawa ko. Ang kapal siguro ng mukha ko para sa inyo kasi pinipilit ko pa rin ang sarili ko. Sorry talaga!”

Tumayo siya pero hinawakan ko ‘yung kamay niya para pigilan siyang umalis, “Ji, wag kang umalis.” Naiiyak na ako. Napakaiyakin ko talaga. Tsk!

Ngumiti siya at tumango, “Aayusin ko lang ‘yung luto ni Mommy para makakain na tayo, pagsisilbihan ko kayo ngayon. Matinding pagbawi ‘to.” Binitiwan ko na ‘yung kamay niya kaya dumiretso na siya sa kusina.

Tiningnan ko ng masama si Fhem. “Ang mean mo, Eufhemia! Hindi mo dapat siya ginanu’n, binigyan mo na siya ng initiation kaya dapat tanggap na natin siya,” mahina kong sabi para hindi marinig ni Ji.

“Kalma lang, Fire. Alam ko ang ginagawa ko kaya tigilan mo ako sa ka-dramahan mo.” Ang tapang talaga nito. Hindi naman ako papalag eh.

“Ano na naman ba ‘yang binabalak mo? Baka pwede mong i-share?” tanong ni Stefh sa kanya. Asa naman siya. Pag may plano ‘yan, gusto niya siya lang ang gagawa.

“Eh ‘di pumalpak na, sa’yo ko pa sasabihin,” mataray na sagot niya. Hindi naman ako nagkamali. Psh~

“Damot!” sabay labas ng dila. Inambahan siya ng sapak kaya nanahimik na ‘tong si Stefh.

“Mga kamahalan, eto na ang pagkain. Masarap ‘yan, paborito niyo ‘yan eh.” sabay bukas ng takip ng mga tupperware.

“Masisira ang diet ko pero okay lang,” sabi ni Fhem sabay tikim sa mga ulam.

“Kakalimutan kong vegetarian ako ngayon,” sabi ni Stefh at kumuha na ng plato at kutsara.

“Puro kayo reklamo, kumain na lang tayo. Tara na, Ji!” Niyaya ko ng kumain si Ji pero mukhang kinarir niya talaga ang pagiging slave niya. Sinandukan muna kami ng pagkain at nilagyan ng juice ang baso bago siya sumabay ng kain sa amin.

Masaya naman kaming kumakain, nagpapatawa din kasi si Ji pero si Fhem na kinarir din ang pagsusungit at kaprangkahan. Lagi niyang binabasag si Ji. Isa siguro ito sa mga plano niya, hindi ko masyadong mabasa ang gusto niyang mangyari. Magaling talagang magplano ng mga ganitong bagay si Fhem.

Her Inspiration... His Life... ♥ [Editing...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon