K1SSES LAW: The Untold Stories [01]

366 19 6
                                    


A/N:

Thank you po sa pagsilip sa kwentong ito. Happy reading! ❤️







• KISSES •

"Choco frappe latte for Ms. Kisses!" Napasulyap ako sa counter, at itinaas niya ang frappe na order ko. Marahan kong binaba sa table ang libro na binili sa akin ni tatay.

Nandito ako sa isang sikat na coffee shop at hinihintay lang si Amber, para sabay kaming pumunta sa bahay ng bago naming dean. Our dean said na he is up for a grande overnight stay at their house. At para daw makilala siya, also for the new students don't know him. Our one week sembreak ended.

Pagkatapos ko makuha ang inorder ko, bumalik na ako sa table.

Then my phone beeps, and Amber texted me.

"mare, parating na ako diyan!"

Napatingin ako sa pinto dahil nag ring ang bell. akala ko si Amber na ang dumating, pero isang lalaki na naka leather jacket ang pumasok at naka red na cap ito.

Naupo ito sa corner ng coffee shop sa may glass window.

Tinitigan ko siya, bakas sa galawan niya na may hinihintay ito. lumapit ang isang barista sa table niya, at naglapag ito ng blueberry cheesecake.

Pagkawala ng waiter, napatingin sa akin ang lalaki. Nagulat ako, kaya sumubsob ako sa pagbabasa ng libro.

Maya-maya, nag-ring na naman ang bell sa entrance door. akala ko si Amber na, pinapaasa na naman ako ni Amber.

Isang lalaki ang nakapostura, mala tuxedo ang suot niya at nakakunot ang kanyang noo. nang makita ang kikitain, lalong nabadtrip ang mukha niya. may kasama siyang naka sky blue polo shirt, at may parang earpiece sa left ear. Baka ano niya security.

Sinundan ko siya ng tingin, ah! kay action star pala siya lumapit.

"I already ordered you a cup of tea, our future president."

Future president?

"P'wede naman tayo mag-usap sa opisina, bakit dito pa tayo nagkita?"

"Mr. Baltazar, Omega wants to propose himself as your running mate as vice president. He is expecting na siya mapipili mo for the candidacy."

"Ayokong madungisan nila ang pagtakbo ko, I already gave my answer, Umalis na ako sa poder niyo, para hindi madamay ang pagtakbo ko. Ilang beses niya ba iintindihin iyon? Buti pa ang kapatid niya, naintindihan niya iyon. Kahit hindi kami magkasundo! AGAIN! Hindi ko siya kukunin!" Naririnig ko sila dahil, almost 3 feet away ang agwat ko sa kanila. ang tagal naman ni Amber, nagiging chismosa tuloy ako.

"I see. I have to go, enjoy your cup of tea." at mabilis na umalis si action star. Dahil doon, nahinto na rin ang pakikinig ko.

"BOSS!" Narinig kong sigaw ng lalaki na kasama ni Mr. Baltazar. mabilis nagkagulo sa loob ng coffee shop, ako nama'y napatayo at minasdan si Mr. Baltazar. dahan-dahan akong lumapit sa kanya, maski sa sarili ko nagtataka ako.

"TUMAWAG KAYO NG POLICE!" Narinig kong sabi ng sekyu ni Mr. Baltazar.

"Miss, 'wag mo galawin yan!" Narinig ko naman 'yun pero ewan ko ba, ang pasaway ko that time. I checked his pulse, and I looked on his face. pawisan siya, namumutla.

'di ko alam kung tama ang gagawin ko, pero nanghingi ako sa barista ng isang silver na utensils. Pwedeng kutsara, tinidor or kahit ano iabot sa akin ni kuyang barista.

"A-anong gagawin niyo ma'am?" Nangangamba Ng tanong sa akin ng barista.

"I'm going to check, if he got poisoned." Sagot ko naman.at pinasok ko sa bibig ng biktima, ang kutsara.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now