Chapter 36

5.8K 317 1
                                    

"Anong klasing mukha yan Arnold at parang nakakita ka ng multo." Nakangisi paring sabi ni Tony at ramdam mo ang lamig sa tono ng kanyang pananalita habang nakatingin ng diretso kang Arnold.

Pilit tinatagan ni Arnold ang kanyang sarili at pilit niya ring tinatago ang kaba at takot na kanyang naramdaman.

"H-hindi mo a-ako masisindak sa ganyang katauhan T-Tony." Pilit na sabi ni Arnold habang nauutal na siyang lalong nagpalaki sa ngising nasa labi ni Tony.

"Eh? Bakit parang nauutal ka?" Nanunuya na sabi nito ngunit ramdam mo padin ang lamig sa kanyang boses.

Nabigla nalang sila ng biglang nawala si Tony at ilang sandali pa ay nagulat sila na hawak na ni Tony sa leeg si Dexter habang nasa harapan sila ni Arnold na ngayon ay halatang halata sa mukha nito ang labis na takot.

Pero mas lalong nagpagimbal sa kanila ay wala ng buhay na nakahandusay sa sahig ang mga tauhan ni Arnold at naliligo sa sariling dugo.

Hindi sila lubos makapaniwala na sobrang bilis na napatay ni Tony ang mga ito ng walang kahirap-hirap.

Ngayon nga ay nasa harapan ito ni Arnold habang nakahawak ang isang kamay nito sa leeg ni Dexter na ngayoy nanghihina na habang ang isang kamay naman niya ay may hawak na kutsilyong punong-puno ng dugo.

Takot na takot narin ang mga kasamahan ni Tony sa nakikita nilang itsura ngayon niya na parang demonyong lalapa ng tao ano mang oras.

Kahit si Leonard ay hindi makapaniwala na may ganitong pagkatao si Tony ngunit kahit ganon paman ay hindi nawala ang pagmamahal niya dito.

Ngumisi si Tony kang Arnold na ngayon ay takot na nakatingin sa harapan niya.

Dahil sa takot na naramdaman niya ay nabitawan niya ang ulo ng dalawang babaeng walang malay.

"B-Bitawan mo a-ang anak ko!" Galit na sabi ni Arnold ngunit ramdam mo parin dito ang takot na pilit niyang hindi pinapahalata.

Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ni Tony sa pinakitang katapangan ni Arnold sa kanyang harapan.

"Ngayon . Ipaparamdam ko sayo kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay at patayin sa mismong harapan mo.!" Galit na sabi ni Tony at wala pang isang minuto ay mabilis niyang pinagsasaksak ang katawan ni Dexter.

Hindi pa nakuntento si Tony at ginulgol pa nito ang ulo ang walang buhay na si Dexter at ng maputol niya ito ay hinagis niya sa harapan ni Arnold ang putol nitong ulo.

Natulala si Arnold sa kanyang nasaksihan.

Nasaksihan niya mismo ang anak niyang pinagsasaksak hanggang sa mawalan ng buhay at kung paano pinutol ni Tony ang ulo nito.

Pati ang mga kasamahan ni Tony ay hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Parang hindi si Tony ang nakikita nila ngayon kundi ay isang halimaw.

Para namang wala sa sarili si Arnold na nakatulala sa harapan niya kung saan ang katawan ng kanyang anak na walang ulo.

Si Tony naman ay biglang tumawa.

Tawa ng isang demonyo.

Ilang sandali pa ay tumigil ito sa pagtawa at bigla nalang nawalan ng malay.

Pero bago pa kinain ng dilim ang kanyang ulitat ay may binulong pa ito.












"Naipaghigante ko narin kayo sa wakas. Mama at Papa."

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Where stories live. Discover now