Chapter 21

5.9K 316 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas at sa nagdaang araw na Yan ay hindi ako nagpakita kang Leonard.

Hindi ko parin malimutan Yung nakita ko sa mall.

Masakit para sa akin ang ginawa niyang pagsinungaling.

Nagpalit din ako ng sim para hindi niya ko ma-contact pa.

At sa dalawang araw na nagdaan ay hindi muna kami pumasok sa University.

Nandito kami sa hide out namin dito sa Baguio kasama ang ibang ka gang namin.

Dito narin muna kami nag stay dahil sigurado akong alam na ng Whiteshadow Gang Kung saan kami nag-aaral.

Pinagpaplanuhan namin Kung ano ang aming gagawin Kung sakali mang susugod sa amin ang Whiteshadow Gang.

Alam kong nagpaplano narin sila tungkol sa gagawin nilang hakbang Laban sa Amin.

Habang nag-iisip ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko kaya sinabi kong 'pasok'.

Bigla naman pumasok si Thoper.

"Boss ,nabalitaan naming may magaganap na laban mamayang Gabi sa Blood Hall Gang." Biglang sabi akin ni Thoper, Isa mga ka gangmates ko.

Ang Blood Hall Gang ay isang napakalaking secret gym na ang maaring makapasok lamang ay ang mga malalakas na mga gang.

Dito Rin naglalalaban Laban ang iba't ibang kupunan ng mga gang.

Hindi ka makapasok dito Kung ordinaryong tao kalang.

"Sabihan mo sila Jenna at Meyon na pupunta tayong apat mamaya sa Blood Hall Gang." Walang emosyon Kung sabi sa kanya.

Tumango naman siya sa akin bago lumabas ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone Ko ng may tumawag dito.

Sinagot ko naman agad ito ng makita na si tita ang tumawag.

"Hi tita, napatawag ka?" Sabi ko ng sagutin ko na ang tawag.

"Gusto ko Lang sabihin sayo Tony na nakauwi na ang Tito Arman mo at ang Kuya Alfred at Kuya Aljon. Kinulit nila akong pauwiin kana kana dahil miss kana daw nila." Sagot naman sa akin ni Tita sa kabilang linya.

Hindi kasi Alam ni Tita na nandito ako sa hide out namin ng mga ka gang ko dito sa bagyo.

Ang sinabi ko Lang kasi sa kanya na kina Jenna muna ako tutuloy ng limang araw para samahan siya dahil Wala ang mga magulang nito at may inaasikaso na business nila sa ibang bansa.

Hindi kasi Alam ni Tita ang tungkol sa gang ko.

At Wala akong balak sabihin sa kanya dahil ayaw ko silang madamay.

"Hmm, sige tita uuwi napo ako bukas." Sabi ko nalang sa kanya.

"Sige Tony, hindi na makapaghintay tung mga pinsan mo! Atat na atat ng makita ka!" Natatawang sambit ni tita.

"Ako rin naman po tita, miss na miss ko narin po sila." Sagot ko rin sa kanya.

"Oh sige Tony, baka gising nayong mga pinsan mo. Napagod kasi kakalaro ng basketball kanina dahil namiss daw nilang maglaro nun."sabi ni tita.

"Sige po tita." Sabi ko tsaka pinatay ang tawag.

-

"Bakit hindi kapa nakabihis Tony?! Akala ko ba pupunta tayo ngayon sa Blood Hall Gang!" Inis na sabi ni Jenna ng maabutan nila akong nila akong nakahiga pa sa aking kana at hindi pa nagbibihis.

Nakabihis narin sila at suot nila ngayon ang uniform ng aming gang.

"Doon nalang kayo maghintay sa baba at maliligo muna ako." Sabi ko nalang sa kanila.

Tsk! Ayaw makapaghintay.

Sobrang excited.

Nang makalabas na sila sa kwarto ko ay naligo na ako.

Pagkatapos Kung maligo ay nagbihis at nag ayos na ako.

Nang makita ko ang sarili ko sa salamin na ayos na ay tsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba na.

Kita ko yung pagkabagot sa mukha nina Jenna at Meyon ng maabutan ko silang nakaupo sa couch ng sala habang so Thoper naman ay perme lamang nakaupo sa kabilang supa habang may nilalaro sa cellphone Niya.

Inaya ko na silang pumunta na.

Habang nasa byahe kami ay may namataan akong pamilyar na tao habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotseng ito.

Bakit siya nandito ?

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon