Chapter 10

8.3K 428 3
                                    


Mukhang wala siyang planong umiwas ng tingin kaya ako na ang gumawa.

Parang nakaramdam ako ng kunting pag-iinit sa aking pisngi.

"Hoy Tony ba't namumula yang pisngi mo ? May sakit kaba?" Nag-aalalang sabi sa akin ni Jenna at hinipo ang leeg at noo ko.

Tinapik ko naman yung kamay Niya.

"Wala to , naiinitan lang siguro ako."pagsisinungaling ko.

Mukha naman siyang naniwala kaya umayos na siya ng upo at ipinagpatuloy na Niya ang kanyang pagkain.

Bakit nga ba ako namumula ?

Dahil ba dun sa titigan namin ni Leonard .

No! Shit! Bat ko ba iniisip Yun.

Tsk!.

Ipinagpatuloy ko nalang din ang aking pagkain.

"Oy! Dito rin pala kayo kumakain?!" Biglang sabi ng Kung Sino sa harapan namin kaya napaangat kami ng tingin.

Shit! Bat pa sila pumunta dito sa table namin?

Ano na naman bang sadya nila.

"Ano naman sayo Kung dito kami kakain?" Pagtataray na tanong ni Jenna kay  Sam.

"Bat ba ang taray mong nerd ka ? Nagtanong lang naman kami!" May inis sa tono na pagkakasabi nitong si Sam.

"Paki mo ba?"may panghahamon na sabi ni Jenna.

Bigla namang sumingit sa kanila si Brent.

"Okay guys tama nayang bangayan niyo... Gusto lang sana naming makasabay kayong kumain Kong okay lang sa inyo." Nakangiting sabi ni Brent.

"Bat naman dito pa kayo kumain sa table namin eh marami pa namang bakanting table na pwede niyong kainan." Mataray naman na sabi sa kanya ni Meyon.

Wait what? Si Meyon naging mataray?ha ha ha.

"Kami ang may ari nitong restaurant kaya kakain kami Kung saang table namin gusto!" Suplado na sabi ni Leonard sabay upo sa tabi ko,ganon rin ang mga kasama Niya ay umupo narin.

Bakit naman sa tabi ko pa siya umupo? Marami namang bakanting upuan .

Tsk!

Pero pansin ko lang ,bakit parang hindi ko nakitang nagsalita itong sa Liam ,Yung tipong parang wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kanya.

Para siyang si Leonard, ang pinagkaiba lang ay palaging seryoso at suplado itong si Leonard.

Binilisan na namin ang pagkain para makaalis na kami dito sa restaurant na ito.

Tsk! Talaga ngang mga mayayaman tong limang lalaking  kasama namin ngayon.

Nang maubos ko ang aking pagkain ay tumayo na ako at maglalakad na sana ng biglang may humawak sa kamay ko at himala ako paupo sa upuan ko.

Nagulat naman Yung mga kasama namin sa ginawa Ni Leonard kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema mo?!" May inis sa tono na sabi ko sa kanya.

"Bakit aalis kana? Kita mong hindi pa tapos kumain yung mga kasama tapos iiwan mo na sila?" Nakangising sabi Niya sa akin kaya lalong nadagdagan ang pagkainis ko.

"Paki mo ba?! Tsaka,! Bitawan mo Yung kamay ko!" Inis na sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay ko ngunit hindi niya parin binibitawan Yung kamay ko at mas lalo Niya pang hinigpan para hindi ako makatakas.


____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Where stories live. Discover now