Chapter 27

5.7K 314 0
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko.

Nagmumukmok at hindi parin lumalabas.

Kanina pag uwi ko dito ay nakita nila tito at tita ang namamaga kong mata dahil sa pag iyak ngunit sinabi ko lang sa kanila na napuwing lang ako saka nagmadaling umakyat at nagkulong sa kwarto ko.

Tinawagan rin ako ni Jenna kanina , tinanong nila ako kung bakit hindi ako pumasok ngunit sinabi ko nalang sa kanila na umuwi muna ako dahil masama ang pakiramdam ko.

Alam kong nag-aalala sila sa akin dahil nabakasan ko kanina sa boses nila habang nag-uusap kami.

Iniisip ko parin hanggang ngayon ang nakita ko sa rooftop kanina.

Sa tuwing naalala ko yun ay hindi ko maiwasang maiyak na naman at makaramdam ng sakit sa may bandang dibdib ko.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nagawang pagtaksilan at lokohin ni Leonard.

Natigil ako sa aking pag-iisip ng kumatok si tita at sinabing mahahapunan na kami.

Habang kumakain kami ay napansin ng mga pinsan ang pamumula at pamamaga ng mata ko kaya hindi maiwasang magtanong sila kung ano ang nangyari saakin.

Sinabi kulang na kinusot ko ito kanina ng mapuwing ako kaya ito namula at namaga.

Alam kung hindi sila nakumbinsi sa naging sagot ko ngunit hindi na sila masyadong nag-usisa pa.

Nang matapos kaming maghapunan ay sinabi ko sa kanilang aakyat na ako upang matulog.

Ramdam ko ang pag-aalala sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin ngunit hindi ko na ito binigyang pansin pa at umakyat na sa kwarto ko.

Bago ako natulog ay ipinangako ko sa sarili kong mula ngayon ay hindi na ako iiyak.

Hindi ko na iiyakan pa ang isang sinungaling at manlolokong lalaking iyon.

Kinabukasan ay pinilit kong maging masigla upang mawala ang pag-aalala nila tita sa akin.

Nang matapos akong mag-agahan ay nagpaalam na ako sa kanilang papasok na ako.

Hindi ako sumabay sa mga kaibigan ko dahil nais ko silang sorpresahin sa bagong ako.

Dahil pwede naman sa unibersidad na namin ang kahit anong suot ay hindi na ako mahihirapan pang pumasok.

Well plano ko kasi na mula ngayon ay magbibihis babae na ako.

Gusto kong ipamukha sa lalaking yun na nagkamali siya ng niloko.

Nang makarating ako sa unibersidad ay sa akin agad napunta ang atensyon ng mga estudyante sa school.

Kita ko pa nga yung ibang babae na nakakanganga dahil sa nakita nila.

Kita ko rin na titig na titig sa akin ang mga kalalakihang nadadaan ko habang napapalonok ang mga ito.

Napangisi ako sa nakitang reaksyon sa mga mukha nila.

Nang makarating ako sa classroom ay nagulat ang mga kaklasi ko sa nakita nila kasama na don ang mga kaibigan ko.

Tila hindi nila inaasahan na makita nila akong ganito ang suot at ayos.

Yung mga kaklasi ko namang lalaki ay tutok na tutok sa akin lalo na sa naka exposed na mga legs ko.

Sinadya ko talagang maikling shorts ang gagamitin ko tsaka tinernohan ng pink na off shoulder at boots na may 3 inches heel.

Habang papalapit ako sa upuan ko ay nakasunod parin ang mga tingin nila sa akin.

"Wow! Anong nakain mo at ganyan ang itsura mo ngayon aber?!" Bungad na tanong sa akin ni Jenna.

Lumapit narin dito sa pwesto namin sina Angel at Alice.

Nginitian ko muna sila bago sumagot.

"Anong masama sa suot ko? Hindi ba bagay sa akin?" Nalungkot-lungkotan kong tanong sa kanila.

Kita ko pa ang pagkabigla sa kanilang mga mukha ng makita ang inasal ko.

"Ikaw ba talaga si Tony? Kung may sumanib man na masamang esperito sa katawang to ay inuotusan kitang umalis at lisanin ang katawang ito." Parang albularyong sabi ni Jenna at nataas pa ang kamay niya habang ipinatong ito sa taas ng ulo ko.

Binatukan ko naman siya dahil nagmumukha na siyang tanga sa pinaggagawa niya.

"Gaga ka ! Walang sumanib sa akin! Sadyang naisip ko lang talagang magsuot ng ganito mula ngayon." Sabi ko sa kanila .

"Bakit mo naman naisipang magbihis babae?" Tanong sa akin ni Alice.

Nilingon ko siya at sinagot.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora