Prologue

29K 670 10
                                    

"inay! itay ! Nasan napo kayo!"sigaw ng isang batang lalaki habang lumuluha ang kanyang mga mata.

Maririnig sa baba ng kanyang kwarto ang putok ng mga baril kaya lalo siyang naiyak dahil sa takot.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang mga magulang na may dalang mga baril at balisa siya nitong nilapitan.

"Anak makinig kang mabuti, lagi mong tatandaan na kahit hindi ka namin tunay na anak ng tatay mo ay tinuring ka naming parang sarili naming anak, Mahal na Mahal ka namin at Kung sakaling mang mawala kami ngayon ,wag na wag mong papabayaan ang sarili mo, pumunta ka tita Andy mo at siya na ang bahala sayo . Magpakabait ka ha, mahal na mahal ka namin yan ang lagi mong tatandaan."mahabang litanya ng nanay Niya sa kanya.
Ramdam mo ang takot at lungkot habang sinasabi Niya ang mga iyon.

Tango lamang ang naisagot ng Bata at niyakap ang kanyang Ina habang patuloy paring lumuluha.

"Elina ! Parating na sila ! Itago mo na si Rain!" Sigaw ng kanyang tatay kaya naman nagmadali nilang tinungo ang malaking aparador at doon itinago ang kanyang anak.

Mula sa loob ng aparador ay sumilip ang Bata sa isang maliit na butas na gawa sa sirang tarangkahan ng aparador.

"Nasaan ang Bata?!"sigaw ng isang nakaitim na lalaki sa kanyang mga magulang.

"Hindi namin sasabihin Kong nasaan siya kahit patayin niyo man kami !"sigaw na balik ng kanyang ama.

Biglang itinutok ng lalaki ang kanyang baril sa mga magulang ng Bata at ganun din ang ginawa ng kanyang mga kasama at walang awang pinagbabaril ang kanyang mga magulang.

Kitang-kita Niya Kung paano pinagbabaril ang kanyang mga magulang hanggang sa silay malagutan ng hininga , patuloy lang sa pagluha ang bata habang itinakip Niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bigbig para hindi makagawa ng anamumang ingay.

Ng maramdaman niyang umalis na ang mga armadong lalaki ay doon na siya lumabas sa kanyang pinagtataguan at lumapit sa katawan ng kanyang mga magulang na Wala ng buhay.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga gumawa sainyo nito!."

"Ipaparamdam ko sa kanila ang hirap at sakit!"

"Ipaghihigante ko kayo."diin niyang pagkakasabi habang makikita mo ang galit at puot sa kanyang mga mata.





"Humanda sila , sisiguraduhin kong kukunin ko ang kanilang buhay at ihahatid sa impyerno.!"



____________________________________
Gangster Gay

Gangster Gay✓Where stories live. Discover now